
Nasa Pilipinas na ang South Korean actors na sina Park Seo Joon at Jung Hae In para sa sarili nilang fan meetings.
Dumating kaninang umaga ang aktor na si Jung Hae In.
Welcome Back, JUNG HAE IN! 🇵🇭
-- Wilbros Live (@WilbrosLive) September 27, 2019
The Korean Star is now in Manila!!#WelcomeJungHaeIn #JungHaeInMANILA2019 pic.twitter.com/0SdOLRbQph
Kasunod naman nito ang pagdating ng aktor na si Park Seo Joon nitong hapon.
Kasalukuyang nasa bansa ang dalawa para sa magkaibang event. Gaganapin ang One Summer Night Tour ni Jung Hae In ngayong September 28 habang may fan meeting naman para sa isang clothing brand si Park Seo Joon sa September 29.
Napanood si Park Seo Joon sa mga Korean dramas tulad ng Fight For My Way, What's Wrong with Secretary Kim, at She Was Pretty.
Nakilala naman sa ilang mga drama kabilang ang Something in the Rain, One Spring Night, at Prison Playbook si Jung Hae In.
JUNG HAE IN and PARK SEO JUN at Incheon International Airport on their way to Manila for their respective events ✨
-- Philippine Concerts (@philconcerts) September 27, 2019
9/28 at @NewFrontierPh #JungHaeInMANILA2019 @WilbrosLive
9/29 at @MOAArena #ParkSeoJunForBENCH @benchtm
🎥 Newsen pic.twitter.com/XUARh8Ogui