GMA Logo  Delightfully Deceitful
PHOTO COURTESY: GMA Network
What's Hot

Korean drama series na 'Delightfully Deceitful,' mapapanood sa GMA sa Enero!

By Dianne Mariano
Published December 22, 2025 3:56 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Olivia Rodrigo at Louis Partridge, hiwalay na– report
Fire hits over 20 houses in separate incidents in Cebu City
Marian Rivera meets Hirono creator Lang and gets an autographed illustration

Article Inside Page


Showbiz News

 Delightfully Deceitful


Abangan ang Korean crime drama series na 'Delightfully Deceitful' sa GMA sa darating na Enero.

Isa sa mga bagong handog ng GMA sa 2026 ay ang Korean crime drama series na Delightfully Deceitful.

Ang naturang serye ang pagbibidahan nina Chun Woo-hee bilang Lauren, Yoon Park bilang Yohann, Park So-jin bilang Geline, at Kim Dong-wook bilang Mason.

Ang kuwento ng Delightfully Deceitful ay tungkol sa con artist na si Lauren (Chun Woo-hee) na maling nasangkot sa kasong pagpatay sa kanyang estranged na mga magulang. Matapos ang sampung taon, siya ay napawalang-sala sa tulong ng masigasig na abogadong si Mason (Kim Dong-wook).

Magkakaroon ng alyansa sa pagitan nina Lauren at Mason para labanan ang mga gumagawa ng masama at maipaghiganti ang mga kamaliang nagawa laban sa kanila.

Huwag palampasin ang premiere ng Delightfully Deceitful simula January 5, 5:10 p.m., sa GMA.