GMA Logo Yoo Ah-in, Kim Hee-ae, Secret Affair
What's Hot

Korean drama series na 'Secret Affair,' abangan sa GMA

By Kristine Kang
Published February 8, 2024 2:30 PM PHT
Updated February 14, 2024 10:57 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Gov’t hospitals on Code White Alert for illness, injury amid Christmas, New Year holidays
18-year-old student arrested in Dagupan drug bust

Article Inside Page


Showbiz News

Yoo Ah-in, Kim Hee-ae, Secret Affair


Humanda na ang lahat dahil darating ngayong 2024 ang kilalang K-Drama na 'Secret Affair' sa GMA television.

Isa na namang classical at pangmalakasang Korean drama series ang handog ng GMA Heart of Asia ngayong Pebrero 2024 dahil mapapanood na sa Kapuso Network ang 2014 South Korean romance, musical, at drama series na Secret Affair.

Iikot ang kuwento sa ipinagbabawal na pag-ibig sa pagitan ng mga karakter na nagsimulang mahulog sa isa't isa dahil sa kanilang pagmamahal sa musika. Susubukan din nilang maabot ang kanilang mga pangarap habang inililihim nila ang kanilang sikretong relasyon sa publiko.

Bukod sa bigating istorya, dapat ding abangan ang award-winning Korean stars sa naturang serye. Kabilang sa cast nito ay sina Yoo Ah-in, Kim Hee-ae, Park Hyuk-kwon, Kyung Soo-jin, Kim Hye-eun, at marami pang iba.

Ang Secret Affair ay idinirek ng kilalang Korean director na si An Pan-seok at sinulat ni Jung Sung-joo.

Maipaglalaban ba nila ang kanilang pag-ibig mula sa mapanghusgang mata ng lipunan?

Abangan ang kapanapanabik na classical series na Secret Affair, dito lamang sa GMA.