
Muling mapapanood sa Philippine television ang well-loved Korean drama series na The Baker King.
Ang naturang K-drama series ay pagbibidahan nina Joo Won bilang Matthew, Lee Young-ah bilang Melissa, Eugene bilang Eula, at Yoon Shi-yoon bilang Tak Gu.
Ang kuwento ng The Baker King ay tungkol sa magkapatid na sina Kim Tak Gu at Matthew na maglalaban sa isa't isa sa baking industry.
Mawawalan ng karapatan si Tak Gu, anak ng isang mistress, na manahin ang baking empire ng kanyang ama kung kaya't gagamitin niya ang kanyang talento para maging number one sa industriya.
Samantala, makikipaglaban kay Tak Gu ang kanyang nakababatang half-brother na si Matthew para sa approval ng kanilang ama. Dahil sa inggit sa kanyang nakatatandang kapatid, papasukin ni Matthew ang mundo ng baking.
Huwag palampasin ang premiere ng The Baker King simula September 29, 9:00 a.m., sa GMA.