GMA Logo The Baker King T-card
What's Hot

Korean drama series na 'The Baker King,' muling mapapanood sa GMA!

By Dianne Mariano
Published September 20, 2025 11:14 AM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Celtics exploit short-handed Bucks for latest lopsided win
Suspect in killing of farmer in GenSan nabbed
Daig Kayo Ng Lola Ko: Download Mommy (Full Episodes Marathon) | Stream Together

Article Inside Page


Showbiz News

The Baker King T-card


Abangan ang Korean drama series na 'The Baker King' sa GMA ngayong Setyembre.

Muling mapapanood sa Philippine television ang well-loved Korean drama series na The Baker King.

Ang naturang K-drama series ay pagbibidahan nina Joo Won bilang Matthew, Lee Young-ah bilang Melissa, Eugene bilang Eula, at Yoon Shi-yoon bilang Tak Gu.

Ang kuwento ng The Baker King ay tungkol sa magkapatid na sina Kim Tak Gu at Matthew na maglalaban sa isa't isa sa baking industry.

Mawawalan ng karapatan si Tak Gu, anak ng isang mistress, na manahin ang baking empire ng kanyang ama kung kaya't gagamitin niya ang kanyang talento para maging number one sa industriya.

Samantala, makikipaglaban kay Tak Gu ang kanyang nakababatang half-brother na si Matthew para sa approval ng kanilang ama. Dahil sa inggit sa kanyang nakatatandang kapatid, papasukin ni Matthew ang mundo ng baking.

Huwag palampasin ang premiere ng The Baker King simula September 29, 9:00 a.m., sa GMA.