
Sa Ilocos Norte, may isang mabentang egg sandwich ang naging patok.
Ito ang food jeepney stand na Egg Luck.
Ang kanilang inaalok, mga bonggang egg sandwich na may Korean twist.
Nakapanayam ng Pera Paraan ang Egg Luck. Ayon sa owner na si Angel Luck Pedro, "Nakita lang namin na wala pang ganoong concept dito sa amin. Nag-start lang kami sa bahay namin using a food cart. Nakuha po namin ang ideya na gumamit ng food truck since palipat-lipat kami."
Mula sa puhunan na PhP15,000, kumikita na kada linggo ng PhP20,000-25,000 ang Egg Luck.
Paano kaya gawin ang isang korean-style egg sandwich?
Panoorin ang video: