GMA Logo Dong Yi sa GMA
What's Hot

Korean historical drama 'Dong Yi,' mapapanood sa GMA simula September 25

By Aaron Brennt Eusebio
Published September 18, 2023 3:34 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Louvre museum installs security bars on balcony used in October's heist
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

Dong Yi sa GMA


Abangan ang top-rated Korean historical drama series na 'Dong Yi' sa GMA Telebabad!

Mapapanood sa GMA Telebabad simula September 25 ang award-winning Korean historical drama na Dong Yi na pinagbidahan nina Han Hyo-joo, Ji Jin-hee, Lee So-yeon, at Bae Soo-bin.

Naunang ipinalabas sa Korea noong 2010 ang Dong Yi at umiikot ito sa love story nina King Suk-jong, ang hari ng Korea mula sa Joseon Dynasty noong 17th century, at Choe Suk-bin, isa sa mga asawa ni King Suk-jong.

Ang ama at kapatid na lalaki ni Dong Yi ay napagbintangan na pumatay ng isang nobleman, kaya naman itinago niya ang tunay niyang pagkatao nang pumasok bilang tagapagsilbi sa Bureau of Music.

Gustong patunayan ni Dong Yi na walang kinalaman ang kanyang ama at kapatid sa pagkamatay ng nobleman.

Dahil sa ganda ng istorya nito, naging hit ang Dong Yi hindi lamang sa Korea. Buong Asya ay tinutukan ito. Sa katunayan, naitala ng Dong Yi ang highest rating ng isang Korean drama sa network nitong NHK.

Naiuwi rin ni Han Hyo-joo ang Daesang (Grand Prize) sa MBC Drama Awards noong 2010.

Mapapanood ang Dong Yi simula September 25, 11:30 P.M. sa GMA.