What's Hot

Korean hit series na 'Full House,' muling mapapanood sa GMA News TV

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 18, 2020 3:11 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NAPC seeks bigger workforce to roll out 2026 programs
Lake Holon to close temporarily starting January 3, 2026
Farm to Table: (December 28, 2025) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News



Magbabalik ang isa sa mga kinagiliwang Korean drama series sa Pilipinas.


Magbabalik ang isa sa mga kinagiliwang Korean drama series sa Pilipinas, ang Full House.

Sino ba ang hindi kinilig sa mala aso't pusang si Jessie at Justin?

Isang writer si Jessie na nakatira sa Full House—bahay na itinayo ng kanyang yumaong ama. Lingid sa kanyang kaalaman, may masamang balak dito ang dalawang kaibigan niya. Palalabasin ng mga ito na nanalo ng isang bakasyon si Jessie, at habang wala ito, ibebenta nila ang bahay.

Pag-uwi ni Jessie, magugulat na lang siyang nakatira na sa kanyang bahay ang sikat na artistang si Justin. Ang aktor pala ang nakabili ng kanyang bahay!

Magmamatigas si Jessie at hindi siya aalis sa Full House. Kaya naman papayag si Justin na magtrabaho si Jessie sa kanya para mabili muli ang bahay. At para mas mapabilis ang pagbili ng bahay, aalukin ni Justin si Jessie na magkunwaring bagong kasal sa paglalayong mapagselos ang kanyang ex-girlfriend. 

Puwede nga bang maging true love ang fake marriage? Kanino ba talaga mapupunta ang Full House?

Pagbibidahan ito ni Song Hye-gyo, Korean Wave star na napanood ng mga Pinoy last year sa isa na namang hit series na Descendants of the Sun. 

Katambal niya rito si Rain, pop star at aktor na nakatakdang ikasal kay Codename: Yong Pal star Kim Tae-hee. 

Balikan ang kulitan nina Jessie at Justin sa Full House, Lunes hanggang Huwebes, simula January 23, 8:30 am sa GMA News TV.