What's Hot

Korean star Alexander Lee, certified Kapuso pa rin!

Published October 8, 2018 11:22 AM PHT
Updated October 8, 2018 11:25 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Bogo City, Cebu buy-bust yields P7.5-M shabu, drug suspect
Farm to Table: (December 28, 2025) LIVE
Miss Grand International All Stars announces rescheduling

Article Inside Page


Showbiz News



Nananatiling loyal Kapuso ang Korean actor at singer na si Alexander Lee matapos nitong mag-renew ng management contract sa GMA Artist Center. Read more.

Nananatiling loyal Kapuso ang Korean actor at singer na si Alexander Lee matapos nitong mag-renew ng management contract sa GMA Artist Center.

Sa contract signing na ginanap noong Setyembre 28, ibinahagi ng Kapuso Oppa na masaya siya sa pananatili bilang parte ng GMA, na itinuturing niyang pangalawang tahanan.

“I'm very happy, you can see it from my genuine smile. For the past year, I really like how they took care of me and I really have a good time with all the Kapuso. Everybody is so good and nice,” ani Alexander.

Para naman kay GMA Senior Vice President for Entertainment Group Lilybeth G. Rasonable, masaya siya sa pananatili ni Alexander bilang isang loyal Kapuso, “Masaya tayo kasi ibig sabihin noon malaki ang tiwala niya sa GMA at natutuwa siya sa mga nangyari sa kanya dito sa Pilipinas so we're very happy.”

Ibinahagi rin ni Rasonable ang kanyang paghanga at suporta sa talento ng Korean star.

“Aside from acting, talagang bumalik siya kung saan siya unang nakilala - ang pagkanta. Now that we have Studio 7, we can have him there and in other musical-variety shows and other contests. Of course, basta may fitting role sa ating drama or sa ating comedy, he's also a very funny guy, pwede natin siyang ilagay doon.”

Nagpasalamat si Alexander sa buong suporta na ibinibigay ng GMA sa kanyang career. Excited siya sa paggawa ng mga proyekto na makatutulong sa kanya maging isang mas mahusay na artista.

“I think I won't limit myself into just one thing. I want to try everything to be more multitalented. I hope I can make people happy,” said the Korean heartthrob.

Bumalik sa Pilipinas noong Hulyo si Alexander upang muling buhayin ang kanyang pagmamahal sa musika. Inilabas niya ang kanyang bagong single na pinamagatang 'Keep Ya Head Up' kasama ang kapwa Korean singer na si Marucci.

Dumalo sa ginanap na contract signing sina GMA Entertainment Group Senior Vice President Lilybeth G. Rasonable, GMA Artist Center Assistant Vice President and Head for Talent Imaging and Marketing Unit Simoun Ferrer, GMA Entertainment Group Senior Program Manager Redgynn S. Alba, at Jong-Hyuk Lee, ang co-manager ni Alexander.