What's Hot

Kris, Ai Ai reconcile in DongYan wedding

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 20, 2020 11:38 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Woman killed by live-in partner in Caloocan
Bagong steel hanging bridge, handog ng GMA Kapuso Foundation sa Rodriguez, Rizal | 24 Oras
Hospitals activate Code White on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News



A friendship rekindled at the wedding of the year. 
By MICHELLE CALIGAN

Sa gitna ng tinaguriang wedding of the year, December 30, ng Kapuso Primetime King and Queen na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera, ay biglang nagpansinan at nagkaayos ang dating mag-'Friendship' na sina Kris Aquino at Ai Ai delas Alas. 
 
Parehong kasama ang dalawa sa entourage ng kasal, kung saan ninang si Kris at si Ai Ai naman ang naglagay ng veil sa Kapuso Royal Couple.
 
In a photo posted on GMA Network's Twitter account, makikitang magkatabi na nagpakuha ng litrato sina Kris at Ai Ai kasama sina Batangas Gov. Vilma Santos-Recto at Ms. Helen Gamboa, ang maybahay ni Sen Tito Sotto.
 
Sa Instagram account naman ni Bernard Cloma ay makikita ang pagyakap nina Kris at Ai Ai sa isa't isa.
 
 

Together again!!!!!love!love!love!!!!!!!??????

A photo posted by bernardcloma (@bernardcloma) on

On that same night, nag-post naman ang common friend nila na si Ogie Diaz sa kanyang Instagram account ng picture ng kuwintas na peace offering umano ni Kris kay Ai Ai.


 

On that same night, nag-post naman ang common friend nila na si Ogie Diaza sa kanyang Instagram account ng picture ng kuwintas na peace offering umano ni Kris kay Ai Ai.

Ai Ai was also quoted in saying "Talagang pinag-adya ng Diyos ang pagkikita namin dahil nagtampo ako sa kanya Dec 30 last year yon na namatay ang nanay ko, tapos ngayon, saktong one year na yon at okay na kami." 
 
Matatandaang matagal nang may tampuhan ang dalawa sa isa't isa and Ai Ai has refused to comment on the issue whenever it was raised in her interviews.