
Muling pinag-uusapan ngayon si Mark Leviste, ang lalaking tila mayroong malaking parte sa buhay ni Kris Aquino.
Sa isang online show, naging very expressive si Mark sa kanyang paghanga at pagmamahal kay Kris.
Nang kumustahin ng host na si Aster Amoyo si Mark tungkol sa estado ngayon ng kanyang puso, masayang sumagot ang huli.
Ayon sa kanya, “The last time I checked, I left my heart in America. Sa aking pagkaalala ibinigay at ipinaubaya ko ang aking puso sa taong mahal ko.”
Pagbabahagi pa niya, “I have my fair share of joy, romance, and heartbreaks. I've learned from those experiences and I treasure those memories in making me a better person and an improved partner…”
Ayon sa host, tila kakaiba raw ang ngiti ni Mark kapag pinag-uusapan ang kanyang puso at buhay ngayon.
Sabi ni Mark, “I think I cannot deny my expression, even my joy says it all. I'm proud of my love and I'm proud of what we have…”
“Mahal ko siya… Hindi mo naman pwedeng dayain o ipeke ang tunay na nararamdaman. What I have is the genuine kind of love.”
Nang tanungin ng host kung sino sa showbiz personalities ang ni-lu-look up to ng Batangas Vice Governor, seryoso niya itong sinagot.
Sagot ni Mark, “With all honesty, no joke, walang bola, I'm a super admirer of Kris Aquino. She knows that, I'm very proud of it.”
Kasunod nito, inilarawan niya si Kris, “Kris is an amazing person, beautiful inside and out, super beautiful. I'm lucky, I'm very fortunate that she's part of my life. I've seen different kinds of Kris.”
Ayon pa sa kanya, marami pa raw siyang kailangan matutunan sa buhay.
Sabi niya, “I feel very blessed… Napakarami ko pa kong kailangan matutunan… but it is people like her and other people that make me want to be a better public servant and leader.”
Sinundan pa ito ni Mark ng espesyal na mensahe kung gaano niya ipinagmamalaki ang paghanga niya kay Kris.
Pahayag niya, “I hope this does not get me into trouble. Sa totoo lang, mula sa aking puso talagang ipinagmamalaki ko ang pagkatao at paghanga ko kay Kris Aquino…”
“Often times she is misunderstood… Once na makilala mo si Kris Aquino sa loob at labas ng showbiz, on and off camera, she's one of the most beautiful beings I've ever met,” dagdag pa niya.
Sa kalagitnaan ng interview, ibinida ni Mark ang trinity ring na natanggap niya mula kay Kris.
Pagbabahagi ng politician, “It's a trinity ring. It symbolizes love, friendship, and fidelity.
That's why through thick and thin lagi ko pong suot ang singsing na galing sa kanya to show my love, my value for friendship and fidelity.”
Unang naging usap-usapan na higit pa sa pagkakaibigan ang relasyon nina Kris at Mark dahil sa post ng huli noong January 3, 2023.
Nasa Amerika ang pamilya ng pulitiko noon para sa isang bakasyon, at dinalaw niya si Kris na kasalukuyang nagpapagamot doon.
Hindi pa kumpirmado kung nagkabalikan na ba ang dalawa ngunit sa ilang Instagram post ni Mark, makikita sa mga larawan na kasama niya si Kris at ang mga anak nito na sina Joshua at Bimby.