
Bilang parte ng pamilya na may legacy na sa pulitika, hindi maiiwasang matanong ang Queen of All Media na si Kris Aquino kung papasukin din niya ang mundong ito.
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules, October 28, tinanong ni King of Talk si Kris: “Hindi maiiwasan na may mga taong nagsasabi, given the chance, at saka maawa lang ang Diyos na ika'y maging healthy, papasukin mo ang pulitika?”
Sagot ni Kris, “Yes. But I'm not healthy. 'Yon na yung parang... My dad had always...parang 'yon yung akala ng dad ko para sa akin. But we need a miracle. So, hindi ibibigay lahat.”
Pero kung pagbibigyan man siya, gusto raw ni Kris na italaga siya sa Department of Health (DOH). Matapos ang mga naranasan niya sa pagkakaroon ng autoimmune diseases, alam niya kung ano ang makakatulong sa bayan.
“'Yung mapababa lang ang cost ng gamot, ang laking bagay na. And maybe, by not taxing the importation of medicine so high, we can already make it so affordable,” sabi ni Kris.
BALIKAN ANG CELEBRITIES NA TUMAKBO SA NAGDAANG 2025 ELECTIONS SA GALLERY NA ITO:
Dagdag pa ni Kris, hindi naman daw siya magnanakaw at sinabing ang dapat na ia-appoint sa mga government position ay iyong mga may naitabi nang pera.
Paglilinaw ni Kris, “Wala po akong sinasabi at pinariringgan ngayon, but I would think we deserve honest public servants.”
Sa isang Instagram post noong 2019, idiniin ni Kris na wala siyang planong pasukin ang mundo ng pulitika. Ayon sa actress-TV host, ito ay dahil wala siyang katangiang mayroon ang kaniyang kapatid na si Benigno “Noynoy” Aquino III, inang si Cory Aquino, at amang si Ninoy.
“I am an AQUINO, but I lack 2 traits that NINOY, CORY, and NOY all shared- selflessness and simplicity. That's why I know I'll never be deserving of your votes,” sabi ni Kris.