GMA Logo kris aquino and michael leyva
Celebrity Life

Kris Aquino, nagbigay ng buong suporta sa kaibigang si Michael Leyva

By Karen Juliane Crucillo
Published February 27, 2025 5:34 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Davao City Coastal Road Segment B nga lakip ang Davao River Bucana Bridge, abli na | One Mindanao
PBB Collab 2.0: Housemates take on caroling challenge for 8th weekly task
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

kris aquino and michael leyva


Ipinagdiriwang ni Kris Aquino ang tagumpay ng kaniyang kaibigan na si Michael Leyva sa People of the Year 2025.

Ginulat ni Queen of All Media Kris Aquino ang netizens sa kanyang first public appearance sa nagdaang People of the Year 2025 awards night.

Ayon sa report ni Aubrey Carampel sa 24 Oras, Miyerkules, February 26, dumating si Kris sa event para personal na suportahan ang kaibigang fashion designer na si Michael Leyva.

Sabi ni Kris, masama man ang kaniyang pakiramdam ay pinilit niyang makadalo dahil gusto niya raw ipagdiwang ang tagumpay ng kaniyang kaibigan na itinuturing na niyang pamilya.

"There are people who say that I'll be there for you or maaasahan mo ako. But Michael has proven that so many times and in so many ways,” sabi ni Kris sa maiksing panayam sa kanya ng media.

Nagkataon din na ginunita ang Edsa People Power Anniversary sa kanyang pagdalo sa event.

"Sabi ko, perfect coming out," sabi ni Kris.

Nagpasalamat naman si Michael kay Kris sa ipinakitang suporta ng huli para sa pagkilala sa kanya bilang isa sa People of the Year awardees.

Sa pagdalo ni Kris, kasama niya ang kaniyang anak na si Bimby Aquino Yap at ang kaniyang mga doctor at nurse dahil "not so okay" pa din daw ang pakiramdam nito.

Ang pagdalo ni Kris sa People of the Year 2025 ay ang kanyang first public appearance mula nang magbalik siya sa bansa galing Amerika kung saan siya nagpagamot ng kaniyang kondisyon na autoimmune disease noong 2022.

Related gallery: A timeline of Kris Aquino's health scares