Celebrity Life

Kris Aquino, nagbigay ng mini tour sa yacht ni Willie Revillame

By Marah Ruiz
Published March 18, 2020 2:45 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Manila City illuminates its Christmas tree and celebrates with a concert
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Kris Aquino Willie Revillame yacht


Nagbigay ng mini tour si Kris Aquino sa yacht na pag-aari ni Willie Revillame.

Ipinasilip ni Queen of All Media Kris Aquino sa isang mini tour ang yacht na pag-aari ng kaibigan niyang si Wowowin host Willie Revillame.

Pansamantala kasing tumuloy si Kris, kasama ang kanyang mga anak na sina Josh at Bimby, beach property ni Willie.

Lubos naman ang hospitality na ipinakita ni Willie at pati ang yacht niya ay ipinahiram din sa kaibigan.

Personal pang inasikaso ni Willie si Kris, Josh, at Bimby. Ipinaayos niya ang banyo at nagpadala pa ng tubig at kape sa tutuluyan ng tatlo.

Panoorin ang mini tour ni Kris sa yacht ni Willie.


Maaalalang nasa Boracay si Kris nang ipasundo ni Willie via helicopter para pansamantalang tumuloy sa beach resort na ipinapatayo niya.

Mamamalagi muna sina Kris dito habang nasa ilalim ng enhanced community quarantine ang Luzon.