GMA Logo Kris Aquino nanawagan sa mga kapwa mayaman na tumulong sa COVID19 crisis
What's Hot

Kris Aquino, nanawagan sa mga kagayang niyang nakakaangat sa buhay na tumugon sa COVID-19 crisis

By Cherry Sun
Published March 24, 2020 4:23 PM PHT

Around GMA

Around GMA

12-hour brownout in areas of Iloilo City set on Dec. 7, 2025
How Innovation is Transforming Healthcare
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

Kris Aquino nanawagan sa mga kapwa mayaman na tumulong sa COVID19 crisis


Kasama ng update tungkol sa ginawa niyang pagtulong sa Puerto Galera sa kalagitnaan ng COVID-19 crisis, nanawagan din si Kris Aquino sa mga katulad niyang may kaya at nakakaangat sa buhay na tumulong sa mga kababayan ngayon.

Kasama ng update tungkol sa ginawa niyang pagtulong sa Puerto Galera sa kalagitnaan ng COVID-19 crisis, nanawagan din si Kris Aquino sa mga katulad niyang may kaya at nakakaangat sa buhay na tumulong sa mga kababayan ngayon.

Naipit sa Puerto Galera si Kris Aquino at kanyang mga anak na sina Josh at Bimby mula nang ipatupad ang enhanced community quarantine dahil sa pagkalat ng COVID-19.

Bilang pagpapasalamat sa islang kumupkupkop ngayon sa kanyang pamilya, minarapat ng tinaguriang Queen of All Media na magpaabot din ng donasyon dito bilang tulong.

Ayon sa text message na kanyang ibinahagi sa kanyang Instagram account, kausap mismo ni Kris ang mayor ng Puerto Galera at pinangukan niya ito ng mga sako ng bigas bilang dagdag sa ginagawang feeding program ng alkalde.

Sa pareho niyang Instagram post, hinikayat din ni Kris ang mga taong nakakaluwag sa buhay na magpaabot ng tulong sa mga nagigipit ngayon.

Aniya, “This is the time na yung mas na-bless financially, sana gumawa ng paraan na tulungan ang mga mas nangangailangan sa abot ng makakaya... magdamayan tayo ngayon dahil LABAN nating lahat ang #covid_19... hindi tama na ang mga kapwa Pinoy ay magutom sa panahon ng lockdown dahil yung daily wage earners hindi makapagtrabaho.”

i am posting this hindi para magpa bida- kasi konti lang ito, dapat 100 sacks of rice pero malayo ako & hindi maka withdraw ng mas malaki because more than 1 hour away yung mga bangko where i have accounts kaya umaasa muna sa ATM ... this is the time na yung mas na bless financially, sana gumawa ng paraan na tulungan ang mga mas nangangailangan sa abot ng makakaya... magdamayan tayo ngayon dahil LABAN nating lahat ang #covid_19... hindi tama na ang mga kapwa Pinoy ay magutom sa panahon ng lockdown dahil yung daily wage earners hindi makapagtrabaho. 😢 P.S. NAGAWAN na po ng PARAAN to make it 25 na KABAN ng BIGAS kasi nalaman ko kung gaano karami ang umaasa sa tulong na mabibigay ng LGU ng Puerto Galera.

A post shared by KRIS AQUINO (@krisaquino) on

Kris Aquino, nagbigay ng mini tour sa yacht ni Willie Revillame

Kris Aquino, thankful sa pakikipag-bonding ni Willie Revillame sa kanyang anak na si Josh