GMA Logo Kris Aquino
What's on TV

Kris Aquino, nilalabanan ang malubhang kondisyon ngayon: 'I refuse to die'

By Jimboy Napoles
Published February 14, 2024 6:25 PM PHT
Updated February 19, 2024 12:34 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Duchess Meghan tries to contact estranged father after amputation reports
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBU 

Article Inside Page


Showbiz News

Kris Aquino


“I really want to stay alive.” - Kris Aquino

Kasabay ng kaniyang 53rd birthday, live na napanood sa GMA via Zoom ang tinaguriang Queen of all Media na si Kris Aquino sa episode ng Fast Talk with Boy Abunda ngayong Valentine's Day, February 14.

Dito ay inilahad ni Kris ang kasalukuyang lagay ng kaniyang kalusugan. Matatandaan na nasa Amerika ngayon si Kris dahil sa pagpapagamot matapos siyang magkaroon ng rare autoimmune disease na sinundan pa ng iba't-ibang sakit.

Ayon kay Kris, mas malubha ang kaniyang kondisyon ngayon at hindi magiging madali ang susunod na anim na buwan para sa kaniya.

Kuwento ng dating TV host, nagkaroon na ng pamamaga sa kaniyang puso, na epekto ng kaniyang unang mga naging sakit.

Aniya, “Our heart is surrounded by muscles para maprotektahan ang puso. 'Yung muscles na 'yun na surrounding my heart, magang-maga sila.”

Paglalahad pa ni Kris, sa susunod na linggo ay may susubukang gamot para gamutin ang pamamaga ng kaniyang puso pero aminado siya na magiging delikado ito.

“On Monday, papasok ako sa hospital at may susubukan kaming biological na gamot. This is my chance to save my heart because kung hindi ito tumalab Boy, I stand a very strong chance of having cardiac arrest. As in puwedeng if I sleep, or kung ano man ang ginagawa ko, puwedeng tumigil na lang 'yung pagtibok ng puso.

“So, may gamot na susubukan but there's a very big risk involved with that medicine because hindi binibigay ang gamot na ito nang hindi ka muna binibigyan ng steroids. You need it para hindi ka magkaroon ng anaphylactic shock. On Monday magbe-baby dose muna ako, titingnan nila kung kakayanin ko.”

Dagdag pa niya, “After Monday, wala na akong immunity. Puwede na akong dapuan ng iba't-ibang sakit. Wala na akong panlaban doon.”

Kaya naman, muling humihiling si Kris ng dasal para sa lahat upang makayanan niya ang lahat ng medical procedures na gagawin sa kaniya.

Aniya, “Ngayon ako hihingi ng [dasal] talaga. I'm sorry kung parang ang kapal ng mukha ko, ang tagal n'yo na akong pinagdarasal pero I really need it now.”

Para kay Kris, hiram na lamang ang buhay na meron siya ngayon pero handa siyang lumaban upang ipagpatuloy ito.

“I've always been very very upfront and honest at hinarap ko na 'to because alam ko na bawat araw, especially now na birthday ko pa, pahiram na lang 'to ng Diyos. Binigyan na lang ako ng bonus.

“So, whatever days are left, kung ano man ang natitira, it's a blessing. But, I really want to stay alive. I mean sino ba naman ang sasabihin na handa na akong mamatay.”

“I refuse to die, my next chapter is to be a stage mother,” masayang sinabi ni Kris.

RELATED GALLERY: A timeline of Kris Aquino's health scares

Noong 2017 unang ibinahagi ni Kris ang mabilis na pagbaba ng kaniyang timbang. Matapos ang sunod-sunod na medical tests, napag-alaman na si Kris ay may isang rare autoimmune disease.

Simula 2022 namalagi na sa Amerika si Kris para sa kaniyang pagpapagamot. Sa social media naman ibinabahagi ni Kris ang mga update tungkol sa kaniyang health condition.

Oktubre 2023 naman nang bumisita si Boy kay Kris sa California upang kumustahin ang lagay ng kaibigan. Ito ang nagsilbing reunion ng dalawa matapos hindi magkita ng maraming taon.

Samantala, ang naging interview ni Kris sa Fast Talk with Boy Abunda ngayon araw ay ang unang beses na lumabas siyang muli sa telebisyon matapos ang maraming taon.