
Sa isang parte ng live update ni Kris Aquino kahapon (January 5) tungkol sa kanyang kaso laban sa kanyang ex-business partner na si Nicko Facis ay kanyang ibinahagi ang kanyang dasal tungkol sa pagpapatawad.
Ani ni Kris sa simbahan sa Japan siya nagdasal at nangako. "There's this church that I really love in Japan. Iniwan ko doon talaga lahat. I promised talaga."
Dugtong ng Queen of All Media na dinasal niya na sana mabuhay siya hanggang 18 years old na ang kanyang anak na si Bimby.
"I said there, noong nagdasal ako talaga, and this was before Christmas. I said doon sa Mass na I just want to be alive until my son turns 18 and I'll forgive. I can move on. All the lies that they spread about me kaya kong burahin. All I ask for please, God, ibigay mo lang sa akin talaga na abutan kong 18 years old ang anak ko."