
Nirereto ba ni Ms. Kris Aquino si Bimby kay Marian para kay Baby Zia?
Pagdating na pagdating ni Kris Aquino sa set ng Yan Ang Morning!, isa sa mga unang unang nasabi ng aktres kay Marian ay: "Ang ganda ng anak mo, hihintayin ni Bimb."
Speechless naman si Yan sa sudden revelation ni Kris. Pabiro tuloy na sinabi ni Kris, "Halika na, ayaw mo, hindi na nag-react."
Pero hindi rito tumigil ang pagtanong ng Queen of All Media about Baby Zia. Intro ng aktres kay Marian, "Yan, ano'ng age gap n'yo ni Dong?"
Sagot naman ni Marian, "Kami, 31 ako, magthi-thirty five si Dong."
Napaisip naman agad si Kris, "So, four lang. Kinalculate ko kasi kung si Bimb and si Zia, eight years, puwede 'yun."
Dagdag pa niya, "Gusto ko ng maganda lahi."
Hindi naman agad nakapagsalita si Marian, ang tanging nasabi niya ay: "Parang na-tense ako, 'yung anak ko 'yung pinag-usapan!"
MORE ON 'YAN ANG MORNING!':
Kris Aquino visits Marian Rivera in 'Yan Ang Morning!'