
Hindi nag-alangan umamin ang 'Queen of All Media' na si Kris Aquino na hindi niya nasungkit ang role sa isang US TV series.
READ: Kris Aquino, nagsalita na tungkol sa Kapuso sitcom na 'Daddy's Gurl'
Last week, ibinahagi ng celebrity TV host turned content creator ang ilang audition snippets niya para sa naturang project.
Paliwanag ni Kris na mahalaga sa kaniya ang pagtitiwala ng mga tao, kaya gusto niyang ibahagi kahit hindi niya nakuha ang role.
“Because how will you trust me when I only share the victories? You need to also know my losses and missed opportunities.”
Diretsahan din sinagot ng Queen of All Media ang isang komento ng isang netizen na walang magkakagusto sa kaniyang lalaki, dahil suplada siya at mahilig sa mas bata na may magandang pangangatawan.
Panghuli, ibinahagi ni Kris Aquino kung paano niya hinaharap ang mga taong naiinggit sa kaniya at gusto siya pabagsakin.
“Aim to reach higher, so when they try to step on me- they'll fall”