
Nitong mga nakaraang araw ay kumalat sa social media ang isang video kung saan tila nasa isang job interview ang Queen of All Media na si Kris Aquino at mali ang mga sinasagot.
"Me during a job interview," saad ng Instagram user na si Fonzi, na gamit ang ilang footage mula sa isang The Kris List episode ay nagawa ang nakakatuwang video na ito.
WATCH: 'The Kris List' shoots its final episode
Nakaabot ang video kay Kris, at mukhang na-impress ang actress-host sa editing skills ni Fonzi, to the point na nais niya itong bigyan ng trabaho sa kanyang production team.
"@fonziru my #KrisOnLine team showed your edit to me as well as my #krisygirls. As I said - in case you really are looking for a job & you do have editing, layout & scripting skills- we'd like to interview you for a job w/ KCAP," Kris wrote in the caption, referring to the Kris Cojuangco Aquino Productions.
Hindi naman inasahan ni Fonzi na makakatanggap siya ng offer mula sa isang malaking celebrity, kaya agad itong nag-reply sa post ni Kris.
"Hi Ms. Kris, I have no words right now, sobrang thank you po!!! I have responded to Ernan and we'll take it from there. God bless your kind heart."