GMA Logo kris bernal
What's Hot

Kris Bernal, aminadong natatakot mabawasan ang trabaho kapag kasal na

By Aedrianne Acar
Published August 23, 2021 12:27 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Dennis Trillo amid AACA 2025 win for 'Green Bones': 'Importante, matuto 'yung mga tao sa kuwento'
Son of viral PUJ driver hired by DPWH after passing board exam
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

kris bernal


Nag-aalala si Kris Bernal na mabawasan ang kanyang projects kapag ikinasal na sila ni Perry Choi.

Walang patumpik-tumpik si Kris Bernal sa “tell-all” chikahan sa kanyang latest vlog na “Breaking my silence on the rumors about my showbiz career."

Sa vlog ng former StarStruck finalist, inamin niyang may kaunting takot siya sa kahihinatnan ng kanyang showbiz career pagkatapos ng kasal nila ni Perry Choi, na pansamantalang nakansela dahil sa COVID-19 pandemic.

Wika niya, “Parang may ganito akong frustration, na once I get married, after getting married, magkaroon ako ng sariling pamilya baka mamaya, alam mo 'yun, mabawasan 'yung mga projects ko.

“Sabi nila mawawalan ka ng spark, umoonti 'yung mga interested sa 'yo dahil kasal ka na.

"So, parang nandoon ako sa point na sana, even after getting married, nagbibida pa rin ako or kung hindi ka naman bida-kontrabida na lang. Charot!”

Paliwanag ni Kris na kahit ano man mangyari, gusto niyang manatili sa showbiz, dahil mahal niya ang kanyang trabaho.

Saad niya, “Basta may trabaho pa rin ako, basta artista pa rin ako. Kasi mahal na mahal ko 'yung trabaho ko.”

Kris Bernal YT

Nakatakda sanang ikasal sina Kris at Perry noong June 5 ngunit kinansela nila ito dahil sa kagustuhan nilang maprotektahan ang mga dadalo mula sa COVID-19.

Sabi ni Kris noon sa kanyang Instagram post, “I remember it was April, when a sudden surge in COVID-19 cases happened and it reached around 12k or 15k a day so we decided to move our wedding instead.

"After careful consultation with our families, friends, and suppliers, it's with deep sadness and heavy hearts that we had to move the wedding to a later date because of the coronavirus surge.”

Panoorin ang kabuuan ng vlog ni Kris dito:

Bago ang dream wedding nina Kris at Perry, silipin ang kanilang prenup photo shoot sa gallery na ito: