
Certified on-screen proud mothers ang Pinay actresses na sina Kris Bernal at Gladys Reyes para sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 Big Winner na si Caprice Cayetano.
Kitang-kita ang suporta ng dalawang aktres sa social media, kung saan ipinagmamalaki nila ang naging journey ng young star sa reality show.
Sa isang fun Tiktok video, masayang nagsama muli sina Kris at Caprice para gawin ang “Beat” dance challenge. Parehong blooming ang dalawa at game na ipakita ang kanilang kembot moves.
Ngunit mas marami ang naantig sa mensahe ni Kris sa caption ng kanyang post.
"Trivia: Naging anak ko siya sa Asawa Ko Karibal Ko TV Series!! Mahusay na artista at napakasweet!" kwento ni Kris.
"Congrats, Caprice on your big win!! Your kindness and authenticity inspired so many people. Proud of you - keep shining and chasing your dreams! "
@sheiskrisb Trivia: Naging anak ko siya sa 'Asawa Ko Karibal Ko' TV Series!! ❤️ Mahusay na artista at napakasweet! Congrats, @Caprice on your big win!! Your kindness and authenticity inspired so many people. Proud of you - keep shining and chasing your dreams! 🌟 #Caprice #KrisBernal #PBBcollab #PBBcollab2point0 #BahayNiKuya ♬ original sound - RR STEP ZUMBA DANCE STYLE - RR STEPS ZUMBA DANCE STYLE
Samantala sa Instagram, masayang binati ni Gladys ang kanyang on-screen daughter mula sa kanilang GMA drama series na Cruz vs. Cruz.
"Congratulations anak Caprice, our Big Winner! Your Cruz Vs. Cruz family is proud of you!
You're a good actress and a good daughter to ur parents, you deserve all these great opportunities. It's your time to Shine!" ani Gladys.
Nanalo si Caprice bilang Kapuso Big Winner sa kakatapos lang na season ng reality television series. Kasama niya sa nagwagi ang Kapamilya housemate na si Lella Ford.
Samantala, babalik si Caprice sa telebisyon sa isang upcoming project kasama ang kanyang Kapuso co-housemate na si Heath Jornales.
Mapapanood naman si Kris sa drama series na House of Lies, mula Lunes hanggang Biyernes, 3:20 p.m. sa GMA Afternoon Prime at Kapuso Stream.
Balikan ang career journey ni Caprice Cayetano sa gallery na ito: