
Unang beses man nilang magsama sa isang proyekto ay humanga na agad sina Kris Bernal at Jason Abalos sa galing ng isa't isa. Mapapanood sila ngayong Sabado, February 3, bilang Noreen at Gerald sa Magpakailanman.
WATCH: Magpakailanman Teaser Ep. 267: "Remember My Love"
Sa kanilang Kapuso ArtisTambayan guesting kamakailan, tinanong ng netizens kung ano ang feeling na makatrabaho ang isa't isa.
Ani Jason, "Ang saya lang. Sobrang galing ng batang ito (laughs)."
Si Kris naman, hanga sa dedikasyon ng kanyang onscreen partner.
"Magaling si Jason at sobrang focused siya. Memorized niya 'yung mga lines niya. At wala siyang pinapalampas na eksena na hindi career or hindi niya pinag-aralan. Hindi ako nahirapan sa kanya at all kahit first time namin mag-work."
Panoorin ang kanilang Kapuso ArtisTambayan session dito: