
May reunion moment ang Kapuso stars na sina Kris Bernal at Martin del Rosario.
Sa recent Instagram post ni Martin, ilang photos ang ibinahagi niya sa followers, kung saan makikitang kasama niya si Kris.
“Reunited with Thea in House of Lies,” sulat ng aktor.
Ayon kay Martin, mapapanood sila ni Kris bilang guests sa newest game show ng GMA na The People Have Spoken.
Matatandaang naging co-lead stars ang dalawa sa katatapos lang na GMA intense drama series na House of Lies.
Nakilala sila rito bilang sina Thea (Kris Bernal) at Edward (Martin del Rosario), ang mag-asawa na may complicated relationship.
Samantala, ang hosts ng game show ay sina Heart Evangelista at Sean Lucas.
Subaybayan ang The People Have Spoken, tuwing Sabado, 6:15 p.m. sa GMA.
Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa social media accounts ng GMA at YouLOL. Available din ang buong episode at mga highlight clip sa GMANetwork.com at YouLOL official accounts.