
Kinagiliwan online ang unexpected collaboration nina Kris Bernal at Mika Salamanca.
Sa isang TikTok video, mapapanood ang kulitan nina Kris at Mika sa isang dance collaboration.
Dito ay game na game silang umarte habang sumasayaw sa harap ng camera para sa kanilang entry sa "Wag Ipagsabi" trend.
Mababasa sa comments section ang positive reactions ng kanilang fans at maraming netizens sa kanilang cute dance collab.
Nabanggit din ni Kris sa comments na gusto niyang makasama si Mika sa isang serye.
Sa kasalukuyan, mayroon nang mahigit 812,,000 views ang video nila together sa TikTok.
@sheiskrisb Ang masasabi ko lang.. ANG GANDA MO, @Mahika 🫠😍 Dati pumipila lang tayo sa idol natin para magpapirma. Ngayon, ikaw na ang pinipilihan!! 👏🏼 Happy and proud of you!! #Mika #MikaSalamanca #PBB #KrisBernal ♬ original sound - M I R A E - 𝑴 𝑰 𝑹 𝑨 𝑬ᯓ✦∘˙
Samantala, si Kris ay isa sa lead actresses sa pinakabagong intense drama series na House of Lies, kung saan co-stars niya sina Beauty Gonzalez, Mike Tan, Martin del Rosario, at iba pa.
Mapapanood ito mula Lunes hanggang Biyernes, 3:20 p.m. sa GMA Afternoon Prime at Kapuso Stream.
Si Mika naman ay mapapanood sa upcoming series na The Secrets of Hotel 88, kung saan kasama niya ang tulad niyang ex-housemates sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
Magsisimula nang ipalabas ang suspense drama simula March 2, 9:35 p.m. sa GMA Prime.
Related gallery: GMA stars and their proudest achievements as a Kapuso