GMA Logo Kris Bernal and Rodjun Cruz in Tadhana
What's on TV

Kris Bernal at Rodjun Cruz, magtatambal sa 'Tadhana: Online Sabong Part 2'

By Bianca Geli
Published July 30, 2021 6:53 PM PHT
Updated July 30, 2021 7:19 PM PHT

Around GMA

Around GMA

St. Luke's inhaler clinic opens to improve asthma, COPD patient care
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Kris Bernal and Rodjun Cruz in Tadhana


Abangan sina Kris Bernal at Rodjun Cruz bilang mag-asawa na napahamak dahil sa online sabong sa 'Tadhana.'

Ngayong Sabado, mapapanood ang part ng ng Tadhana: Online Sabong kung saan gaganap bilang magasawa sina Kris Bernal at Rodjun Cruz.

Mula nang malulong si Gerry (Rodjun Cruz) sa online sabong at gamitin ang dapat sana ay panggamot ng kanyang ama sa ospital, nagbago na ang pagtingin sa kanya ng misis na si Sheryl (Kris Bernal).

Sa katagalan, hiniwalayan din si Gerry ng kanyang misis. Sasamantalahin naman ni Tom (Martin Escudero) ang pagkakataon dahil matagal na pala itong may itinatagong pagtingin para kay Sheryl.

Papupuntahin niya si Sheryl sa kanyang bahay para sunduin ang lasing umanong si Gerry pero isa pala itong patibong! Dito madidiskubre ang mga maitim na lihim ni Tom. Sasabay pa sa mga problema ang malubhang sakit ni Mang Felipe (Nonie Buencamino)!

Magkaayos pa kaya ang mag-asawa? Magwawakas na rin ba ang pagkakaibigan nina Gerry at Tom?

Samahan si Primetime Queen Marian Rivera sa Part 2 ng "Online Sabong" ngayong Sabado, July 31, 3:15 p.m. sa GMA-7!