
Sa Tadhana: Abo ng Kahapon, nagtungo ng Amerika si Elaine para sa magandang kinabukasan ng kanilang anak bilang isang caregiver.
Pero habang nagtitiis sa hirap ng pagiging OFW si Elaine, buhay binata naman ang kanyang mister sa Pilipinas.
Dobleng dagok pa ang darating sa mag-asawa nang parehas na masunog ang tinitirhan nilang mga bahay.
Paano sila makakaahon sa trahedya na 'to?
Abangan ang pinakabagong kuwento ng Tadhana: Abo ng Kahapon, ngayong Sabado, 3:15 p.m. sa GMA-7 at sa GMA Public Affairs' Facebook and YouTube livestream.