Article Inside Page
Showbiz News
Matapos ang dalawang taon since the last 'StarStruck' season ended, Kris Bernal is living the high life. Pero gaano nga ba nag-iba ang buhay para kay Kris?
Matapos ang dalawang taon since the last 'StarStruck' season ended, Kris Bernal is living the high life. Pero gaano nga ba nag-iba ang buhay para kay Kris? Text and Photos by Jason John S. Lim.

"Ang dami ko natutunan," ang matter-of-fact na sagot ni
Kris Bernal nang tanungin siya ng iGMA kung kamusta na ang buhay, two years after
StarStruck: The Next Level ended its run. "Unang-una, 'yung disiplina—disiplina sa oras, tsaka disiplina sa limitations mo dahil nga artista ka. Hindi lahat ng bagay puwede mong gawin."
And it seems that this way of thinking is the way to go: "Makikita mo na 'yung pinaghirapan mo, may bunga talaga. Ngayon, ine-enjoy ko magtrabaho, kasi nakikita ko 'yung effect niya. So masaya."
Pero siyempre, hindi laging masaya ang experience sa industriya ng showbiz. Lalo na sa mga tulad ni Kris na sumisikat na talaga. Pero, as Kris accumulates her years in showbiz, she's also accumulating maturity points.
"'Yun ngang sabi ko dati, talagang iniiyakan ko kapag nakakabasa ako ng mga negative [comments]," Kris shares. Ngayon, Kris uses the negative comments para lalo siyang mag-improve. "For example, nagba-browse ako ng mga forums. Siyempre hindi natin maiiwasan na may mga detractors din talaga, tsaka may mga ayaw talaga sa iyo. Ako, tini-trim ko ['yung comments] tapos kapag may time ako, binabasa-basa ko ulit."
Kuwento nga ni Kris, dinadala daw niya minsan 'yung comments sa taping ng
Dapat Ka Bang Mahalin? minsan to remind her na kailangan pa niyang mas galingan. "'Yun 'yung pumapasok sa isip ko kapag binasa ko talaga 'yung mga comments na hindi maganda."
That's not to say na hindi binabasa ni Kris ang good comments sa kanya. Of course, those make Kris happy. "Pero more on negative [ang iniintindi ko], para ma-improve ko rin 'yung sarili ko."
With this in mind, Kris is also looking out for her next big challenge. Kasi nga naman, she's gone from pa-tweetums na to a more mature role with her current show; ngayon, gusto naman niyang ma-experience ang current fad sa Philippine TV: ang Koreanovela remakes.

"Kasi fan ako ng mga Koreanovela eh, [kaya] ang pangarap ko, kung magkakashow ulit ako, gusto ko ng
Full House o kaya
Coffee Prince. Basta any Koreanovela. Gusto ko talaga kasi," she reveals to us. If the said shows are still with
Aljur Abrenica, her love team partner, Kris doesn't want to say. For her, sure naman siya na kung ano ang mapag-desisyunan ng network at ng GMA Artist Center for her, ay para rin sa ikabubuti ng career niya.
Alam mo bang ma-text na tao si Kris? Siguradong lagi kang updated if you subscribe to her Fanatxt service!
Just text KRIS and send to 4627 for all telcos. Each Fanatxt message costs PhP2.50 for Globe, Smart, and Talk N Text, and PhP2.00 for Sun subscribers. (This service is exclusive for the Philippines only.)
And siyempre, keep watching
Dapat Ka Bang Mahalin? every weekday afternoon pagkatapos ng
Paano ba ang Mangarap?