What's Hot

Kris Bernal: Goodbye Aljur Abrenica, hello Daniel Matsunaga

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 18, 2020 6:39 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Cabral's last hours before fatal fall captured by hotel CCTV footage
2 hurt as truck falls into ravine in Zamboanga City
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News



PEP: Kris Bernal: Goodbye Aljur Abrenica, hello Daniel Matsunaga
Balik-tambalan sina Kris Bernal at Daniel Matsunaga sa "Wish Come True" episode ng Lovebug. Una silang nagkatambal sa magtatapos nang fantaserye ng GMA-7 na The Last Prince. Dahil sa nakitang chemistry nila sa The Last Prince, muli silang pinagsama sa second offering ng Lovebug, na magsisimula nang mapanood sa June 20, Linggo, pagkatapos ng Party Pilipinas. starsDito sa "Wish Come True" ay isang supermodel ang ginagampanang role ni Daniel at super fan naman niya si Kris. Dahil sa sobrang pagiging fanatic ay sinundan pa ni Kris si Daniel hanggang sa Singapore, kung saan kinunan ang karamihan ng mga eksena nila. Sabi nga ni Kris sa press conference ng "Wish Come True" sa 17th floor ng GMA Network Center kahapon, June 15, tulad pa rin daw si Daniel noong una silang magkasama. "Ganoon pa rin po. Talagang kay Daniel, wala po akong problema sa kanya pagdating sa trabaho. Nakiki-cooperate po siya. Game po siya. At kahit na ano pa ang ipagawa sa kanya, ginagawa po niya." Nabanggit din ni Kris na inaalagaan siya ni Daniel during their taping. Sa paanong paraan? "Well, kasi sa The Last Prince, ilang days lang kaming magkasama, di ba? Pero dito po sa Lovebug, sa Singapore kami at madalas po talaga kaming magkasama. Nakakapagod ang taping, pero alagang-alaga ako. Kapag sinabi ko na, 'Ano ba 'yan, gusto ko nun.' Bibilhin niya agad. Parang narinig niya lang, kahit hindi ko sa kanya sinasabi," kuwento ng young actress sa PEP (Philippine Entertainment Portal). Pero ayon kay Kris, maliliit na bagay lang naman ang binibili ni Daniel gaya ng stuffed toys, drinks, and food. "At saka, kahit hindi ko itanong, kapag alam niyang pagod na pagod na ako, uhaw na uhaw na ako, may drink agad siya, water. Sobrang nakaalalay agad siya," dagdag niya. Ang daming may crush sa kanyang Brazilian hunk leading man. Anong feeling ni Kris na marami ang naiinggit sa posisyon niya ngayon? "Sinasabunutan nga ako ng mga bakla, e!" natatawa niyang sabi. "Kahit naman noon kay Aljur [Abrenica], nakakaloka, di ba?" ALJUR ABRENICA. Speaking of Aljur, matagal nang nababalita na huling pagsasama muna nila ni Kris ang The Last Prince. Kung si Kris ay itatambal kay Daniel dito sa Lovebug, si Aljur naman ay ipapareha kay Rhian Ramos sa horror series na Romana Santa. May mami-miss ba siya kay Aljur? "Ang daming katangian ni Aljur na talagang mami-miss ko," sagot ni Kris. "Pero unang-una na ang katangian niya ng pagiging makulit. Kasi, kahit na ano pa ang eksena namin, mangungulit at mangungulit siya. E, hindi alam ng tao. Ang alam ng tao sa kanya, seryoso palagi, hindi palangiti, pero napakakulit po niya. At saka very open naman siya sa akin kaya walang hiyaan talaga." May mga nakakapansin na noong lumabas ang balitang paghihiwalayin muna sina Kris at Aljur, naging open naman bigla ang young actor na never talagang may namagitan sa kanila. Ito ba ay dahil hindi na kailangan ang "kilig factor" sa kanila? "Hindi naman siguro yun ang ibig sabihin no'n," nakangiting sabi ni Kris. "Siguro kasi, palagi rin namang tanong sa amin yun kung kami ba, kung naging kami ba. Palagi rin namang tanong sa amin yun at yun din naman ang palagi naming sinasagot, na wala naman talaga. Na kaibigan talaga kami, sweet kami sa isa't isa. Yun lang din naman ang palagi naming sinasagot. At siguro, nalalagyan lang ng laman ngayon or malisya dahil nga maghihiwalay na kami." Ayon kay Kris, hindi naman masasabing bigla na lang silang pinaghiwalay ni Aljur. Matagal na rin naman daw silang magka-love team at marami nga silang nagawa together mula afternoon soap hanggang primetime series. May advantage din daw na hindi na sila magka-love team ni Aljur pagkatapos ng The Last Prince. "Ako kasi noong una, pakiramdam ko, nabubuhay lang ako sa love team. So ngayon, ang advantange nito sa akin, puwede akong ipares sa iba-iba. Yung puwede akong gumawa ng iba't ibang roles. Hindi lang basta pagpapa-cute at nakakapit kay Aljur. "Kumbaga, advantage sa akin na makitaan naman nila ako ng ibang anggulo sa ibang lalake, sa ibang partner. Nabanggit naman sa akin ni Aljur na ibabalik pa rin daw po, pero siyempre hangga't hindi ang mga boss ang nagsasabi sa akin, ayokong mag-assume," saad niya. May mga balitang si Aljur at ang co-star nila sa The Last Prince na si Bianca King na raw ngayon. The irony of it ay tila ang leading man (Aljur) at ang kontrabida (Bianca) pa ang nagkadebelopan. Ano ang masasabi ni Kris dito? "Hindi ko alam 'yan, e. Yung kay Bianca at kay Aljur po, para sa akin, para sa akin lang, ha, hindi ko po sila nakikitang sweet sa set. Hindi ko rin sila nakikitang nag-uusap nang matagal. Yun nga lang, ayoko rin magsalita nang patapos," saad niya. In short, hindi siya naniniwala? "Para sa akin, hindi po ako naniniwala," sagot ni Kris. JAY PERILLO. Kung si Aljur ay nali-link kay Bianca, si Kris naman ay nali-link sa singer na si Jay Perillo. Itinanggi ni Kris na may namamagitan sa kanila ng Are You The Next Big Star? finalist. Aniya, "Wala yun. Yung sa amin ni Jay, magkaibigan kami. Nagsasama kami. Kumakain kami sa labas. Pero hanggang doon lang. Talagang brod, kapatid, tsong." Ano yung picture daw ni Jay ang wallpaper sa cell phone niya? "Aaminin ko may picture kami. Kasi yung iPhone ko, naka-save siya na screensaver na slide show. So, lahat ng picture, lumalabas sa screensaver ko, sa wallpaper ko. Kasi, naka-slideshow siya. E, kami ni Jay, may picture kami. Sumakto na yun ang tumapat. Pero slideshow lang yun," paliwanag ni Kris. Hindi nanliligaw si Jay sa kanya? "Wala!" bulalas niya. "Naiilang na nga ako dun, kung anu-ano ang lumalabas na kami raw. Hindi talaga kami ni Jay. Happy naman ako na single. For me, yun ang lovelife ko—single and happy." EYE-POPPING CHANGE. During the presscon of Lovebug, marami ang nakapansin sa pagiging sexy ni Kris, pati na ang boobs nito. Naka-tube kasi siya kaya mas lalong napansin na tila may nagbago sa kanyang dibdib. Diretsahan namin siyang tinanong kung may pina-enhance ba siya sa kanyang katawan, lalo pa nga't noon ay madalas niyang sabihin na may nag-uudyok sa kanyang magpa-enhance. "Kahit nga ako nagulat din ako!" natatawa niyang sabi. "Tumaba kasi ako. Yun din ang nalaman ko na noong tumaba ako, puwede pa palang lumaki yung boobs ko. Pero hindi na pala ako puwedeng tumangkad. Hanggang doon lang pala yun. At saka, nag-gym kasi ako kaya feeling ko, nakatulong siya. Pero wala akong pinaparetoke or anything. Kung lumaki man siya, siguro sa bra lang or sa corset." If ever, payag ba siyang magparetoke? "Hindi, e. At saka hindi talaga ako nagparetoke, promise," giit ni Kris. -- PEP.ph Pag-usapan si Kris sa mas pinagandang iGMA.tv Forum! Not yet a member? Register here! Get in touch with Kris. Just text KRIS (space) [Your message] and send to 4627 for all networks. For MMS wallpapers, text GOMMS (space) KRISB (space) ON and send to 4627. Telco charges apply. This service is only available in the Philippines.