GMA Logo Kris Bernal, Marco Masa, John Clifford, Anton Vinzon
Courtesy: Kris Bernal (TikTok)
What's Hot

Kris Bernal, hinarana nina Marco Masa, John Clifford, at Anton Vinzon

By EJ Chua
Published March 6, 2026 1:17 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Advocacy groups back bill requiring warning labels on unhealthy food
Pedicab driver nabbed for alleged rape of minor neighbor in CDO
Kirk Bondad gives a pageantry 101 lesson on his IG

Article Inside Page


Showbiz News

Kris Bernal, Marco Masa, John Clifford, Anton Vinzon


Panoorin dito ang TikTok video ng 'House of Lies' lead star na si Kris Bernal kasama ang ex-housemates at Tres Marias ng PBB Celebrity Collab Edition 2.0!

Nagmala-Gen Z ang celebrity mom na si Kris Bernal sa isa sa bago niyang videos sa TikTok.

Related gallery: Kris Bernal through the years

Game na game na nagTikTok si Kris kasama ang Kabataang Pinoy ex-housemates ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 na sina Marco Masa, John Clifford, at Anton Vinzon.

Habang nagme-makeup si Kris, biglang lumabas sa screen si Marco at nagsimula na ang panghaharana sa una.

Kasunod ni Marco, nagpakita na rin sa camera sina John Clifford at Anton na sinabayan ang panghaharana ng unang Sparkle star tampok ang original song na na-compose nila sa loob ng Bahay Ni Kuya.

“Na para bang PBB Teen yarn siya. Panay naman ang “Opo” at “Ate” sa akin. Hay, Tres Marias! Sinong bias mo?,” sulat ni Kris sa caption ng kanyang TikTok post.

Labis itong kinagiliwan ng fans at netizens at sa kasalukuyan ay mayroon na itong mahigit 190,000 views sa naturang video-sharing application.

@sheiskrisb Na para bang PBB teen yarn siya.. 🤣 Panay naman ang "OPO" at "ATE" sa akin! Hay, Tres Marias!! Sinong bias mo!! 🫠❤️ #PBB #PBBcollab #JohnClifford #MarcoMasa #AntonVinzon @Marco Masa @ANTON VINZON @John Clifford ♬ original sound - Kris Bernal

Kabilang si Kris sa lead stars ng GMA's newest intense drama series na House of Lies at napapanood din siya ngayon sa TiktoClock bilang isa sa hosts ng programa.

Patuloy na subaybayan si Kris bilang si Thea sa House of Lies, mapapanood mula Lunes hanggang Biyernes, 3:20 p.m. sa GMA Afternoon Prime.