
Kasabay ng usap-usapan tungkol sa magkakasunod na sold-out concerts ng SexBomb Girls, humahakot din ng atensyon online ang interactions ng ilang celebrities sa kanila.
Kinagiliwan sa TikTok ang dance collaboration ni Kris Bernal at isa sa SexBomb Girls na si Aira Bermudez.
Related gallery: Kris Bernal through the years
Mapapanood sa video na talaga namang hataw sa pagsayaw si Kris para masabayan ang husay ni SexBomb Aira.
Maraming netizens ang talaga humanga sa dancing skills ng House of Lies star.
Sulat ni Kris sa caption, "Pinalaki rin ako ng SexBomb kaya manonood ako sa rAWnd 5. Labyu Ate @Aira Bermudez. Lodi kita."
Sa comments section, mababasa ang positive reactions ng fans at iba pang nakapanood na ng kanilang dance video:
Sa kasalukuyan, mayroon nang mahigit 100,000 views ang video nila sa TikTok.
@sheiskrisb Pinalaki din ako ng #SexBomb 💃🏻 Kaya naman manonood ako sa rAWnd 5!!! Lab u, ate @airabermudez ❤️ LODI KITA!! #KrisBernal #rAWnd5 #Trentahin ♬ original sound - liliatOrres118 - lilia11860
Samantala, abangan si Kris kasama sina Beauty Gonzalez, Mike Tan, Martin del Rosario, at iba pang aktor sa House of Lies.
Mapapanood ang world premiere ng bagong intense drama series sa darating na January 19 sa GMA Afternoon Prime.