
Pansamantala mang naging LDR sina Kris Bernal at kanyang non-showbiz fiancé na si Perry Choi dahil sa community quarantine, sinusulit naman ng dalawa ang time nila kung may pagkakataon silang mag-bonding ngayon.
Sa Instagram Story ng Kapuso actress, ibinahagi niya sa kanyang followers ang isang trait ng kanyang future husband na nakaka-in love.
Ipinakita ni Kris ang photo ni Perry habang may kausap sa car window at sabi niya, “He has a VERY VERY OA generous heart.
“He got me with this (aside from his exceptional cooking skills).
“Walang ka-arte-arte at ka-luho-luho sa katawan yan! Nakaka-in love.”
Nangyari ang surprise proposal ni Perry kay Kris noong February 6, 2020.
WATCH: Kris Bernal shares snippets of her fiance's surprise wedding proposal
Kris Bernal discloses full details of her engagement to Perry Choi