
Ngayong COVID-19 quarantine, nagkaroon ng pagkakataon si Kris Bernal na pagtuunan ang kanyang social media accounts gaya ng kanyang YouTube channel.
Gayunpaman, inamin niyang hindi naging madali ang tranisition niya from TV to online, ayon sa panayam ni Rovilson Fernandez sa aktres sa isang episode ng New Normal: The Survival Guide series na 'Home Work.'
Source: GMA Public Affairs's YouTube channel
Ika ni Kris, "Ang viewers ko talaga are the ones na nanonood ng TV. Even if you check my social media, talaga 'yung market ko, hindi pang-online."
Ayon pa kay Kris, kailangan niyang sumabay sa uso para mapalakas ang kanyang social media presence.
Aniya, "I really make an effort, as in super effort talaga, na palakasin ang socia media accounts ko like nagTi-TikTok na rin ako kahit 'di naman ako sumasayaw."
Bilang negosyante, importante rin daw ito para sa kanyang cosmetics at food businesses.
"Talagang tinatrabaho ko ngayon my social media accounts kasi lahat ng work ko ngayon, lahat social media, e. I have a physical restaurant na market na siya ngayon, parang all in one market, e."
Kaakibat ng pagkakaroon ng strong social media following ay ang pagkakaroon ng kritiko.
Bagamat sanay na si Kris na ma-bash dahil sa kanyang pangangatawan, minabuti na lang daw niyang i-block ang kanyang bashers para sa kanyang peace of mind.
Bahagi niya, "In time nasanay na rin ako. Kailangan na rin i-block, e, kasi, siyempre, ayaw mo rin namang may makikitang negative about you. Ang hirap lang kasi lahat na lang online, so lahat may time mang-bash."
Sa ngayon ay may mahigit 1.7 million followers na si Kris sa Instagram at 302,000 subscribers naman sa YouTube.
Para sa buong panayam, panoorin ang episode ng Home Work sa itaas.
New Normal: The Survival Guide is the country's first daily magazine program entirely conceptualized with the 'new normal' in mind.
From life hacks, money tips, family bonding ideas, inspirational stories, and burning issues that need discussion, the GMA Public Affairs program aims to help Filipinos navigate the new way of living.
Every Thursday, Tonipet Gaba and Rovilson Fernandez join forces in 'Home Work' to give viewers life hacks on how to survive quarantine life and navigate the household.
Catch them Thursday nights at 9:15 p.m. after My Absolute Boyfriend on GMA News TV.