GMA Logo Kris Bernal
What's Hot

Kris Bernal, inaming na-diagnose ng postpartum anxiety

By Jimboy Napoles
Published January 23, 2024 7:21 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Chile wildfires kill 19 amid extreme heat; scores evacuated
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

Kris Bernal


Kris Bernal matapos manganak: “I can no longer recognize my old self.”

Emosyonal na ibinahagi ni Kris Bernal sa Fast Talk with Boy Abunda na na-diagnose siya ng postpartum anxiety matapos niyang ipanganak ang panganay nila ng asawang si Perry Choi na si Hailee Lucca.

Aminado si Kris na maraming pagbabago ang nangyari sa kanya simula nang siya ay maging ganap na ina.

Aniya, “Actually, Tito Boy nagkaroon ako ng postpartum anxiety. I was diagnosed with postpartum anxiety kasi nahihirapan talaga akong mag-adjust pero so far it's getting better.”

Kuwento ni Kris, “I think it's both beautiful and hard. Because I believe in acknowledging the highs and lows of pregnancy and postpartum. Sa totoo lang, nahirapan talaga ako Tito Boy kasi hindi ko in-expect na ganon kahirap. I was enjoying the whole time being pregnant pero hindi ko alam na ang hirap pala kapag nanganak ka na.”

Ayon sa aktres, halos nawalan siya ng oras sa kanyang sarili at sa mga bagay na ginagawa niya noon.

Aniya, “Wala ng panahon magsuklay, kumain, maligo, 'yung skincare ko wala na, nakalimutan ko na.

“Actually everything stopped talaga. I stop vlogging, 'yung social media ko halos wala ka nang makitang bago kasi nga parang nagbago talaga 'yung mundo ko.”

Pero napapawi raw ang lahat ng pagod ni Kris dahil din mismo sa kanyang anak na sa Hailee.

“'Yung highs siyempre 'yung baby ko. Kahit mahirap, kahit walang tulog, 'yung alam mong nandyan may baby ka, alam mo 'yung blessed ka with a child kasi not everyone naman nebe-bless ka ng ganito.

“Kaya very thankful talaga ako pero 'yun ang pinakamasarap na feeling na kapag nakikita ko na hinahanap ako ng baby ko, very clingy siya sa akin. So, 'yun 'yung balik na happiness,” ani Kris.

Sa kabila ng adjustment bilang isang first time mom, masayang-masaya pa rin si Kris sa kanyang bagong buhay bilang isang ina.

Aniya, “Pero not because sine-share ko na nahihirapan ako, it doesnt mean na I am not grateful or na hindi ko gusto 'tong journey ko, hindi ko gusto 'tong nangyayari sa buhay ko. Siyempre ito 'yung masasabi ko na ito yung pinakamagandang nangyari sa buhay ko, pero hindi natin maiiwasan na may pinagdaraanan na postpartum.”

September 2021 nang ikasal sina Kris at Perry. Ipinanganak naman ni Kris ang kanilang anak ni Perry na si Hailee Lucca noong August 15, 2023.