GMA Logo Kris Bernal, Hailee
Photo source: FTWBA, krisbernal (IG)
What's on TV

Kris Bernal, inaming naging 'selfless' mom dahil sa kanyang ina

By Karen Juliane Crucillo
Published March 11, 2025 1:52 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Power outage hits Puerto Galera on Black Saturday
Get tested for free: why you must visit these diabetes screening hubs this April
Daig Kayo Ng Lola Ko: Children Adventure Stories (Full Episodes Marathon) | Stream Together

Article Inside Page


Showbiz News

Kris Bernal, Hailee


Basahin ang kuwento ni Kris Bernal bilang isang “selfless” mom dito.

Hindi naitago ng Kapuso actress na si Kris Bernal ang pagiging isang mapagmahal na ina sa kaniyang panayam kasama si Boy Abunda.

Sa Fast Talk With Boy Abunda nitong Lunes, March 10, napag-usapan nina Tito Boy at Kris ang mga OFW na nagsasakripisyo para sa kanilang mga pamilya.

"Talagang kapag may pamilya ka, may anak ka, feel ko mas nagiging selfless ka. Talagang magsa-sacrifice ka for your family just to give them the best life," sabi ni Kris.

Bilang napalaki si Kris nang maayos ng kaniyang single mother, naging inspirasyon niya ito bilang isang ina na rin ngayon.

Sabi ng Kapuso star, "Siguro the best word that describes me as a mom, ayun nga nabanggit ko kanina 'selfless' and I became more patient, more appreciative."

"Talagang binigay ng nanay ko yung 100 percent energy niya, 'yung buo niya. Ako feel ko wala nang natira sa kanya. So, ayun 'yung gusto kong makuha sa mom ko," dagdag ni Kris.

Ikinuwento ni Kris na naging katulad siya ng kaniyang nanay noong naging isang ina na rin siya.

Inamin ni Kris, "Noong hindi pa ako nanay, medyo vain pa tayo, more of ourselves."

Pinapili ni Tito Boy kung sino ang gusto niyang maging role model ng kaniyang anak na si Hailee Lucca.

"There's something that has to be fixed sa sarili ko," sagot ni Kris.

Kaya sa ngayon, sabi ni Kris ay gusto niya na maging katulad ng kaniyang anak na si Hailee ang kaniyang nanay paglaki.

Naging magulang sina Kris at ang kanyang non-showbiz husband na si Perry Choi nang isilang ang una nilang anak na si Hailee noong August 15, 2023.

RELATED GALLERY: Kris Bernal's life as a mom