GMA Logo House of Lies, Kris Bernal
Courtesy: House of Lies, krisbernal IG
What's on TV

Kris Bernal, inaming nahirapang bumalik sa pag-arte

By EJ Chua
Published January 14, 2026 3:22 PM PHT
Updated January 14, 2026 3:25 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Tennielle Madis looks to make WTA debut count in PH Women’s Open
Missing persons in trash slide down to 17; death toll hits 19
Tickets for Philippine Women's Open are out

Article Inside Page


Showbiz News

House of Lies, Kris Bernal


House of Lies' lead star Kris Bernal ngayong nagbabalik na siya sa teleserye: “Ang tagal ko na ring hindi nagme-memorize ng mga ganon kahahabang linya..."

Nagbabalik na sa mundo ng showbiz at sa GMA Afternoon Prime ang Kapuso actress na si Kris Bernal.

Sa exclusive interview ng GMANetwork.com kay Kris sa opening ng new branch ng Crepe Glazik sa Shangri-La Plaza, nagkuwento ang aktres tungkol sa kanyang personal life.

Related gallery: Kris Bernal through the years


Dito ay masaya niyang sinagot ang tanong tungkol sa unang serye na kanyang pagbibidahan matapos niyang magpahinga sa kanyang acting career.

Pahayag niya, “It's my first serye after two years kasi I got pregnant, I gave birth. Actually, more than two years pala kasi two years old na 'yung baby ko plus pregnancy. Two years plus pa pala.”

“Last soap ko was Artikulo 247, 2022 pa 'yun, grabe ang tagal na,” pahabol ng Kapuso actress.

Kasunod nito, inamin ni Kris na nahirapan siyang mag-adjust sa pagbabalik niya sa pagtatrabaho bilang isang artista.

“Nahirapan ako at first. I'll be honest na pinakahirapan ako was memorizing lines, maybe because ang tagal kong hindi nagbasa, ang tagal ko na ring hindi nagme-memorize ng mga ganon kahahabang linya,” pagbabahagi niya.

Ayon pa kay Kris, nakaramdam man siyang ng challenge sa paga-adjust, unti-unti naman siyang nasanay ulit sa kanyang work routine.

“So, I had a hard time nung una pero pagtagal naman siguro after few weeks parang ah okay nandiyan na bumalik na ulit. Na-gets ko na ulit 'yung grind… Ngayon sanay na ulit ako. Hinahanap na ng katawan ko 'yung taping,” sabi niya.

Si Kris ay mapapanood bilang bida sa upcoming intense drama series na House of Lies.

Pahapyaw niya sa kanilang ongoing taping, “Marami na rin. Siguro nakatapos na kami ng up to week five. We were able to finish five weeks already.”

Samantala, makikilala rin bilang lead stars sa serye sina Beauty Gonzalez, Mike Tan, at Martin del Rosario.

Abangan ang world premiere ng House of Lies, ngayong January 19 na, sa GMA Afternoon Prime.