Celebrity Life

Kris Bernal, magkano ang unang kita sa kanyang vlog?

By Aaron Brennt Eusebio
Published April 13, 2020 5:56 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Barangay kagawad at senior citizen, parehong patay sa banggaan ng kanilang motorsiklo sa Iloilo
Mandaue City LGU, Mihangyo nga Pondohan ang Itukod nga Hospital | Balitang Bisdak
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

Kris Bernal YouTube vlog


Ibinahagi ng aktres na si Kris Bernal kung magkano ang kanyang unang kita sa kanyang YouTube channel.

Natanggap na ni Kris Bernal ang kanyang Silver Play Button galing sa YouTube dahil mayroon na siyang mahigit 100,000 na subscribers. Sa kasalukuyan, mayroon nang mahigit 200,000 subscribers si Kris.

Sa kanyang vlog, binuksan ni Kris ang kanyang Silver Play Button at ikinuwento kung magkano ang kanyang unang kita mula sa vlog.

“'Yung first income ko sa YouTube, which is 20,000 pesos, mga 400 dollars, thank you kasi hindi n'yo ini-skip 'yung ads at thank you dahil nanonood kayo,” kuwento ni Kris.

“So 'yung first income ko, dino-date ko siya sa iba't ibang animal welfare organizations kasi mahilig nga ako sa aso and may alagang akong pusa.”

Panoorin ang unboxing vlog ni Kris:

Ngayong marami ang hindi makapasok sa trabaho dahil sa enhanced community quarantine, tinutulungan din ni Kris ang mga freelancer sa pamamagitan ng pagpapa-edit ng mga vlogs.

Sa isang post sa Instagram, sinabi ni Kris na magpadala lamang ng email sa kanya kung gusto nilang magkaroon ng raket.

“Thank you to my freelance video editors for accepting these on the side rakets with me,” sulat ni Kris sa caption.

“To video editors out there who want to work with me, feel free to send me an email with your sample works attached.

“Glad to be of help to freelancers during this challenging time.”

Thank you to my freelance video editors for accepting these on the side rakets with me. 💪🏼 To video editors out there who want to work with me, feel free to send me an email with your sample works attached. Glad to be of help to freelancers during this challenging time. Home Workout (By @haideesabb) Assumptions About Me (By @polpabsy)

Isang post na ibinahagi ni Kris Bernal (@krisbernal) noong

IN PHOTOS: Inside the California home of Kris Bernal