
Ngayong nagbabalik sa teleserye si Sparkle artist Kris Bernal, binalikan niya ang mga pagsubok na hinarap niya noong panahon ng pagkawala niya sa showbiz.
Sa isang episode ng TRGGRD! kasama sina Thea Astley, Vince Maristela, at Sean Lucas, ibinahagi ng aktres ang kaniyang “white rabbit moment,” kung saan dala-dala niya pa rin hanggang ngayon ang mga natutunan niya mula sa pangyayaring iyon.
“Siguro kasi di' ba nag-start ako sa StarStruck, 2007 pa, and then, tuloy tuloy 'yung shows ko. Lagi akong bida, as in every year, nakaka-two shows ako tapos pagod na pagod ako. Syempre, masaya kasi maraming pera pero umabot 'yung pandemic na naging freelancer ako,” pag-amin ni Kris.
Ikinuwento ni Kris na nawalan siya ng kontrata at tinawag niyang “life-changing” ito dahil nasanay siya sa “consistent” na income, lalo na't magastos siya noon.
Dagdag pa niya, “Talagang all-out ako e, tapos biglang, oh my gosh in a snap, ito na lang 'yung kinikita ko tapos kailangan ito na talaga 'yung point na tanggap na ako ng tanggap ng trabaho, kahit ano na lang 'yan, sige para may income kasi parang 'di na ako maarte.”
Inamin ng Sparkle artist na simula noon, mas pinahalagahan niya ang mga oportunidad na dumadating sa kanya.
“Tapos ayun na, natuto siguro ako na pwede pala talaga maging ganito 'yung buhay, 'yun nga na pwedeng nasa taas ka tapos biglang ngayon, ikaw na 'yung nasa baba. Pwedeng peak ng career tapos ngayon syempre, pwedeng hindi na ganon kalakas,” pahayag niya.
Sa kabila ng nangyari, ibinahagi ni Kris na masaya siya ngayon, lalo na't nakakagawa na siya muli ng teleserye. Inamin din niya na mas natuto na siyang mag-ipon dahil sa hindi inaasahang pangyayari, katulad noong pandemic, at lalo na ngayon na mayroon na siyang anak.
Muling pumirma si Kris bilang Sparkle artist noong August 12.
Isinilang ni Kris ang kanyang anak na si Hailee Luca Choi noong August 15, 2023 sa non-showbiz husband niyang si Perry Choi.
Mapapanood si Kris sa House of Lies simula January 19, 2026. Makakasama niya sa serye sina Beauty Gonzalez, Mike Tan, Martin Del Rosario, Jackie Lou Blanco, Kokoy De Santos, at marami pang ibang Kapuso stars.
Panoorin dito ang TRRGRD! episode kasama si Kris Bernal: `
RELATED GALLERY: IN PHOTOS: Kris Bernal through the years
Insert photo gallery: https://www.gmanetwork.com/entertainment/photos/in-photos-kris-bernal-through-the-years/12128/