GMA Logo Jhong Hilario Kris Bernal Beauty Gonzalez Vice Ganda Vhong Navarro
What's on TV

Kris Bernal, na-starstruck kay Vice Ganda

By Kristine Kang
Published January 22, 2026 1:40 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Raptors claw back with huge 3rd quarter, then hold off Kings
Truck driver shot dead in Davao de Oro
PH most congested in Asia

Article Inside Page


Showbiz News

Jhong Hilario Kris Bernal Beauty Gonzalez Vice Ganda Vhong Navarro


Puno ng energy ang pagbisita nina Kris Bernal at Beauty Gonzalez sa 'It's Showtime!'

Laban na laban sa kulitan ang House of Lies stars na sina Kris Bernal at Beauty Gonzalez sa fun noontime program na It's Showtime.

Sa kanilang pagbisita nitong Miyerkules (January 21), nakisaya ang Kapuso stars sa game segment na “Laro, Laro, Pick.”

Pagpasok pa lamang sa stage ay todo energy na ang dalawa sa pagbati sa madlang people.

"What's up, madlang people!" sigaw nina Kris at Beauty.

"Na-miss ko kayong lahat," dagdag ni Beauty.

Maliban sa kulitan, tila may isa sa kanila ang na-starstruck pa sa Unkabogable Star na si Vice Ganda.

"Hindi ko akalaing na-meet na kita," bati ni Kris sa host.

Masaya rin siyang nag-congratulate sa comedian sa matagumpay na pelikula nitong Call Me Mother.

"Oh my gosh, totoo ka pala!" dagdag ni Kris habang todo fan girl kay Vice.

Sina Kris at Beauty ay kabilang sa celebrity players, kasama sina Ion Perez at Ryan Bang, na maglalaro para mapanalunan ng isang madlang player ang PhP 300,000.

"Ang masakit nito, kakabahan kayo pero 'yung premyo hindi naman sa inyo," pabirong hirit ni Vice sa mga kinakabahang bisita.

"'Di okay lang. We're happy to share. Sana manalo," sagot ni Beauty.

Game na game ang Kapuso stars sa laro, pati na sa pagsasayaw on stage.

"Ang sexy nung (kay) Kris Bernal,"komento ni Vice.

"Hindi po ako makahinga," banat naman ng aktres.

"Parang hindi lang 'yung show nila ni Beauty pino-promote niya, pati concert ng SexBomb pino-promote niya dito," dagdag pang biro ng comedian.

Napansin din ng It's Showtime hosts ang walang kapantay na energy ng dalawa, na umabot pa sa pagtanggal ng heels para makasabay sa sayawan.

"Sa lahat ng mga artista nakilaro dito, si Kris at tsaka si Beauty 'yung super dance ine-enjoy nila 'yung [laro dito]," papuri ni Vice.

Ngunit sandali lamang ang saya nang hindi umilaw ang kanilang napiling kahon sa unang round.

"I want them to stay. Uulitin natin ang round na ito. Gusto natin si Kris at si Beauty, uulitin," pabirong pahayag ni Vice.

"Mas mahaba pa byinahe ko kaysa sa laro ko dito," hirit ng Kapuso stars.

Hanggang sa huli ng kanilang pagbisita, hindi pa rin napigilan ni Kris ang kaniyang fan-girling moment.

"It's so nice to see you in person. Oh my gosh!" ani Kris habang niyayakap si Vice.

Mapapanood sina Kris Bernal at Beauty Gonzalez sa bagong GMA Afternoon Prime series na House of Lies, mula Lunes hanggang Biyernes, 3:20 p.m.

Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.

Samantala, tingnan kung sino pang Kapuso stars ang bumisita at nakisaya sa It's Showtime, dito: