GMA Logo Kris Bernal
What's Hot

Kris Bernal, na-trauma sa ginawang hairstyle sa kanya noon sa 'StarStruck'?

By Jimboy Napoles
Published December 19, 2023 11:41 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Rodrigo Duterte’s fitness to stand ICC trial to be determined by January – Conti
First Airbus A350-1000 in Southeast Asia arrives in the Philippines
Sarah Discaya, 8 others detained at jail in Mactan, Lapu-Lapu City

Article Inside Page


Showbiz News

Kris Bernal


Hindi napigilang mag-react ni Kris Bernal sa nagba-viral niya ngayong throwback video tampok ang kanyang short hairstyle noon.

Viral ngayon sa social media ang isang throwback video ni Kris Bernal noong sumali siya sa Kapuso artista search na StarStruck.

Makikita kasi sa naturang video ang ginawang short hairstyle noon kay Kris na may hindi pantay na bangs at layer ng buhok. Dito ay mangiyak-ngiyak pa ang aktres nang makita ang kanyang new look nang i-reveal na ito ng hair stylist.

“'Yung sabi mo trim lang pero paladesisyon stylist mo,” caption ng GMA Network page sa video ni Kris.

Isang post na ibinahagi ni gmanetwork (@gmanetwork)


“Anong name ng salon? para maiwasan,” nakakatuwang comment ng isang netizen.

Mabilis naman na nag-react dito si Kris sa pamamagitan ng pag-repost ng video sa kanyang Instagram story.

“'Yung trauma ko dito. Chareeeet,” ani Kris.

Maging ang celebrities gaya nina Carla Abellana, Rita Daniela, Chuckie Dreyfus, at Janeena Chan ay napa-react din sa video ni Kris.

“HAHAHAHAHA MAREEEE @krisbernal,” komento ni Rita.

Sa TikTok, humingi naman ng sorry kay Kris ang anak ng naturang hairstylist na si Richard Perello.

“Hi, anak po ako nung hair stylist. Sorry po Miss Kris Bernal,” natatawang sinabi ni Neo.

@eneot #stitch with @GMA Network sorry po on behalf 😭 #fyp #lgbt #starstruck #krisbernal #ph #lgbt ♬ original sound - neyow


Matatandaan na tinanghal naman noon bilang Ultimate Loveteam sina Kris at Mart Escudero habang Ultimate Sweetheart naman si Jewel Mische, at Ultimate Hunk si Aljur Abrenica sa Season 4 ng StarStruck noong 2006.


RELATED GALLERY: IN PHOTOS: The sexiest looks of Kris Bernal


Huling napanood si Kris sa GMA Afternoon Prime series na Artikulo 247 kasama sina Rhian Ramos, Benjamin Alves, at Mark Herras.

Kasal na rin si Kris sa kanyang non-showbiz husband at businessman na si Perry Choi. Sila ay may anak na si Hailee Lucca.