
Aminado si Kapuso actress Kris Bernal na nahirapan siya sa love scenes na kailangan gawin para sa upcoming series na House of Lies.
“Hirap na hirap ako sa mga love scene. Hindi kasi ako comfortable na may kahalikan ako na hindi ko naman close o hindi ko naman... Siguro nu'ng single ako, okay lang. Pero ngayong kasal na 'ko, may anak na 'ko, parang medyo naco-conscious na 'ko na parang 'Ano kaya ang iisipin ng asawa ko 'pag napanood niya 'to?'” sabi ni Kris sa pagbisita niya sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Biyernes.
Inamin din ni Kris na hindi niya binabanggit sa asawa ang tungkol sa daring scenes na gagawin niya dito at sa katunayan, ayaw ng aktres na mapanood ito ng asawa. Ngunit nilinaw naman niyang alam ng asawa na may kissing scenes, at nagpaalam siya para dito.
Ayon kay Kris, ito rin ang first time niyang gumawan ng “ganu'n ka-intense” na love scenes.
“Kasi dati naman, okay, dito lang, ganiyan. Ito parang abot hanggang buong katawan. Nagki-cringe talaga ako kapag ginagawa ko 'yun. E 'yung character ko pa naman, kailangan ako 'yung seductive, kailangan ako 'yung nangti-tease, ako ang mang-aagaw, inaakit ko silang lahat,” sabi ni Kris.
RELATED CONTENT: BALIKAN ANG PAGBABALIK SPARKLE NI KRIS SA GALLERY NA ITO:
Sa serye ay makaka eksena ni Kris sa daring scenes sina Mike Tan at Martin Del Rosario. Ngunit dahil magkaibang-magkaiba ang kanilang mga karakter, naiiba rin ang daring scenes niya sa dalawang aktor.
“Kay Martin, 'yun 'yung mas intense, 'yung all-out, hundred percent kasi asawa ko po. Kay Mike 'yung landi-landi lang, tease lang. May nangyari din, jusko, 'yun nga 'yung kasinungalingan. Isa sa mga itinatago ko,” sabi ng aktres.
Abangan ang House of Lies ngayong January 19 na sa GMA Afternoon Prime.
Panoorin ang panayam kay Kris Bernal dito: