GMA Logo Kris Bernal
PHOTO SOURCE: YouTube: Kris Bernal
Celebrity Life

Kris Bernal, nagpa-sponsor sa showbiz friends para sa baby shower?

By Maine Aquino
Published June 30, 2023 4:11 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Trump asks Congress for more funds to fight Iran, defying rebuke on war powers
Tagbilaran City Police, Gimanduan sa Pag-imbentaryo sa Tanang Service Firearms | Balitang Bisdak
Local fast food giant scores double victory at PR Awards Asia-Pacific for Gaming and Literacy Campaigns

Article Inside Page


Showbiz News

Kris Bernal


Kilalanin ang mga kukuning ninong at ninang ni Kris Bernal para sa anak at panoorin ang kanyang sponsorship prank dito:

Isang prank ang inihanda ni Kris Bernal para sa kanyang showbiz friends at magiging ninong at ninang ng kanyang anak.

Si Kris ay nakatakdang ipanganak ang kanilang unang anak ni Perry Choi sa darating na Agosto.

Sa kanyang bagong vlog, tinanong ni Kris kung ano ang mare-recommend nilang pangalan para sa anak, at sinundan ito ng pagsabi na magiging ninong at ninang sila. Dinugtungan naman ito ni Kris ng prank, ang request na kung puwede silang mag-sponsor sa baby shower.

PHOTO SOURCE: YouTube: Kris Bernal

Ang mga tinawagan ni Kris ay sina Rhian Ramos, Rocco Nacino, at Jennylyn Mercado.

Saad ni Kris sa kanyang vlog, "This is my least favorite type of vlog! I really don't enjoy having to lie and pretend because I might offend someone! But, it's one of my most requested vlogs kaya pagbibigyan ko kayo! Hehe! Here you go!"

Dugtong pa ni Kris, "I requested baby name recommendations as well as sponsorship for my forthcoming baby shower event from my fave celebrities na gusto ko din maging ninong at ninang ni baby girl!! Sino ang kuripot? Sino ang napikon? At, sino ang bumigay? Enjoy the prank!!"

Panoorin ang vlog ni Kris dito:

SAMANTALA, BALIKAN ANG STUNNING PHOTOS NI KRIS AS A PREGNANT MOM: