GMA Logo Kris Bernal in TiktoClock
What's on TV

Kris Bernal, nagpasalamat sa 'TiktoClock' sa kaniyang pagbabalik sa Sparkle

By Maine Aquino
Published August 17, 2025 2:37 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Duchess Meghan tries to contact estranged father after amputation reports
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Kris Bernal in TiktoClock


Nagbahagi ng pasasalamat si Kris Bernal pagkatapos ng kaniyang contract signing sa Sparkle.

Puno pa rin ng pasasalamat si Kris Bernal pagkatapos ng kaniyang contract signing sa Sparkle.

Sa kaniyang pagbabalik sa TiktoClock pagkatapos ng kaniyang bakasyon sa US ay nagpasalamat siya sa GMA, Sparkle, at sa TiktoClock. Saad ni Kris nitong Biyernes, August 15, "Sobrang happy ako kasi thankful sa GMA kasi tinanggap nila ako ulit."

Pumirma si Kris ng kaniyang kontrata sa Sparkle noong Martes, August 12.

Ikinuwento pa ni Kris sa TiktoClock na nagpapasalamat siya dahil hinintay siya ng Sparkle. Noong 2021 ay ikinasal si Kris kay Perry Choi. Ipinanganak naman ni Kris si Hailee noong 2023.

"Talagang hinintay lang nila ako, tapos lagi nila akong tinatanong o kailan ka na ready? Finally, okay na ako, balik trabaho na ako."

Isa pa sa ipinagpapasalamat ni Kris ay napapanood siya ng mga Kapuso sa TiktoClock. Pakiramdam ni Kris ito raw ang naging daan sa pagpirma niya sa Sparkle.

Saad ni Kris, "Ang daming nagtatanong sa akin na napapanood daw nila ako sa TiktoClock. Kaya tuloy feeling ko nakabalik ako sa GMA dahil nakikita nila ako sa TiktoClock. Kasi siyempre napapanood nila ako sa TiktoClock, si Kris pala puwede na ulit magtrabaho. Kaya thank you rin."

Balikan ang contract signing ni Kris sa Sparkle: