
Mabigat ang mga eksena ngayong Sabado sa bagong Wish Ko Lang dahil istorya ng isang battered wife na muling makakahanap ng bagong pag-ibig ang tampok sa "Kutob" episode.
Gaganap si Kris Bernal bilang Jerlyn sa "Kutob" episode ng Wish Ko Lang
Inamin ni Kapuso actress Kris Bernal na na-challenge siya sa kanyang role bilang Jerlyn.
Aniya, “Yes, na-challenge ako dahil ang hirap gampanan ang isang character experiencing domestic abuse. Of course, I've never experienced such.”
Samantala, ang young co-star naman ni Kris na si Barbara Miguel, naka-relate sa kanyang role bilang Jevi, ang anak ni Jerlyn.
“[Nakaka-relate po ako doon sa] pagmamahal ng isang anak sa kanyang ina, na kahit anong mangyari nandyan sila para sa isa't isa kagaya po ng pagmamahal namin ng mama ko.”
Isa sa mga eksena nina Kris Bernal, Barbara Miguel, at Ahron Villena.
Sa "Kutob" episode, ang battered wife na si Jerlyn ay iiwan ang asawa niyang nambubogbog na si Nestor, na gagampanan ni Ahron Villena.
Isa sa intense scenes sa "Kutob" episode
Kalaunan ay makatatagpo siya ng bagong pag-ibig sa katauhan ni Jovel, na gagampanan ni Biboy Ramirez. Ngunit masasawi naman ito matapos aksidenteng makuryente.
Kasama rin nina Kris, Ahron, Biboy, at Barbabara sa dramatization si Omar Flores.
Kris Bernal and Biboy Ramirez
Bukod sa nakaaantig na kuwentong tampok, nabilib din daw ang Kapuso actress na si Kris Bernal sa mas pinalaking Wish Ko Lang.
“Ang masasabi ko sa pinalaking Wish Ko Lang ay pinalaki talaga ang pamimigay. Marami silang mga prizes like tablets, laptop, GMA Affordabox, etc., na talagang pangangailangan ng mga students o kahit ng mga nagtratrabaho sa bahay.
“Nakaka-excite din ang mga kwento ng buhay ng iba't ibang tao dahil marami kang matututunan. They also give assistance and help to those stories they feature. Bongga!”
Mapapanood ang "Kutob" episode ng bagong Wish Ko Lang ngayong Sabado, alas-kwatro ng hapon sa GMA-7.
Manood ng 'Wish Ko Lang' at manalo ng gadgets at GMA Affrodabox!