Article Inside Page
Showbiz News
First time na maging leading man ni Kris si Dennis, at nakaka-in love daw ang mga titig nito.
By CHERRY SUN

Maliban sa excitement para sa kanyang upcoming show na
Hiram Na Alaala ay kinikilig din si Kris Bernal dahil makakatambal niya rito si Dennis Trillo.
Kwento ng aktres sa
24 Oras, nakaka-in love at nakaka-intimidate daw ang mga titig ng Kapuso hunk.
Aniya, “Medyo nahihiya pa ako, tsaka medyo nahihiya akong tumingin sa mata niya. Parang nakakalunod kasi.”
“So alam niyo pag magka-eksena kami, nakaganyan lang ako lagi, nakatungo. Tapos pag ‘action’, nakatingin na ako sa kanya,” dugtong nito.
First time ni Kris maging leading man si Dennis, ngunit hanga na siya agad sa aktor.
“Ang laki ng respeto ko talaga kay Dennis lalo na pagdating sa oras niya, pagdating sa set,” saad niya.
Sa pag-iwan ni Kris ng kanyang sweet image para sa upcoming soap ng Kapuso network, naging
malaking tulong daw ang pole-dancing upang lalo siyang magkakumpiyansa sa sarili.
“‘Yung sa pagkamahinahon ko at mahinhin ko, doon ko nailalabas ‘yung sexy side ko. ‘Yun ganon, ‘yung parang pagiging aggressive ko, kumbaga,” sabi niya.