
Di mapigilang maiyak ng Asawa Ko, Karibal Ko actress na si Kris Bernal nang maalala niya ang mga naging challenging projects niya.
Sa media conference ng programa kagabi, October 8, ikinuwent ni Kris, “Yung Impostora kasi, napagod talaga ako kasi dalawa 'yung ginawa ko na role doon, na thankful ako sa GMA kasi ang ganda ng mga proyekto na binigay niyo sa akin.”
“Sobrang hirap ng Impostora pero alam kong nakatulong sa akin bilang artista, ito ngayon may bago na naman akong show so thank you talaga kasi proud ako sa konseptong ito.”
Handa na raw ulit si Kris sa mga intense na iyakan at drama para sa Asawa Ko, Karibal Ko kahit na kakaiba ang magiging isyu ng kaniyang karakter na magiging karibal sa lalaki ang dati niyang asawa.
Aniya, “Mabigat siya talaga, sa totoo lang sanay na ako sa drama.
"Sanay na akong pinapaiyak pero ito yung nahirapan din talaga ako kasi hindi ko ma-imagine na asawa ko, yun nga…may tinatagong ibang identity na hindi ko naman na-experience sa totoong buhay.
Ibinahagi ulit ni Kris kung gaano siya ka-thankful sa ibingay na proyekto sa kaniya.
“Lahat naman po ng nabibigay sa aking project talagang very thankful ako.
"Minsan naiisip ko hindi ko deserve 'yung ganitong show.
"Again, salamat po ulit at ipinagkatiwala niyo sa akin itong Asawa Ko, Karibal Ko”