GMA Logo Kris Bernal takot malaos
Source: Fast Talk with Boy Abunda
What's Hot

Kris Bernal, natakot malaos: 'Ayoko talagang mawala'

By Kristian Eric Javier
Published January 17, 2026 3:47 PM PHT

Around GMA

Around GMA

30 rescued from distressed vessel off Tawi-Tawi
Ahtisa Manalo sparkles in a white gown at Sinulog de Kabankalan
PCG's Tarriela: No need to apologize to China over social media post

Article Inside Page


Showbiz News

Kris Bernal takot malaos


Ibinahagi ni Kris Bernal ang dahilan kung bakit nanatili siyang active sa kabila ng kaniyang buhay bilang asawa at ina.

Taong 2022 pa nang huling napanood si Kris Bernal sa isang serye, ngunit patuloy pa rin siyang nakikita sa social media sa mga taong wala siya sa telebisyon.

Sa Fast Talk with Boy Abunda, inamin ni Kris Bernal na natakot siyang malaos at mawala sa isipan ng mga tao kaya nanatili siyang active.

“Ayoko talagang mawala. Kaya nga kahit nu'ng nanganak ako, kahit nu'ngnabuntis ako, nanganak ako, tina-try o pa rin maging active kung kaya,” sabi ni Kris.

Ngunit pag-amin ni Kris, napansin din niyang hindi na nagki-click ang mga show na ginagawa niya. Sabi pa ng aktres, “Parang feel ko, tinanggap ko na lang din. Tinanggap ko na lang din na 'A, baka ito na 'yung time na nagla-lie low na rin 'yung career ko, na 'yung peak ng career ko was with Aljur, tapos ganito na 'yung nangyayari.' “

Hindi rin umano maintindihan ng aktres kung ano ang dahilan ng pag-transition ng kaniyang roles mula sa pagiging bida papunta sa pagiging kontrabida. Hinala ng aktres, maaaring dahil sa itsura at sobrang pagpayat niya na nagmukha na siyang kontrabida kaya ito nangyari.

TINGNAN ANG PAGBABALIK NI KRIS SA PAG-ARTE SA GALLERY NA ITO:

“Ang naiisip ko lang, dahil ba 'yun nga 'yung sumobrang payat ako na nagmukha na bang kontrabida 'yung mukha ko? Kasi nawala na 'yung mga chubby cheeks ko diyan. 'Yun 'yung naiisip ko, 'sumobrang payat ba ako? 'Yun ba 'yung nakamukhang kontrabida sa akin?” sabi ni Kris.

Isang dahilan pang naiisip ng aktres, ay baka dahil hindi na nagre-rate ang mga seryeng pinagbibidahan niya, kaya siya ginawang kontrabida. Ngunit isa ang sigurado ng aktres: hindi pa rin niya alam hanggang ngayon kung bakit.

Suhestyon naman ni King of Talk Boy Abunda, baka papunta na ang kaniyang karera para maging isang character actress siya.

“Sana, Tito Boy. Sana po, 'yun lang din siguro 'yung iniisip ko ngayon, na sana papunta na rin ako du'n sa pagiging character actress. Na pwede pa rin, kunyari ngayon, kontrabida ako, baka next, pwede ulit akong maging bida, pero iba namang character,” sabi ni Kris.

Panoorin ang panayam kay Kris dito: