What's Hot

Kris Bernal on Chlaui Malayao: 'Napakabibong bata'

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 4, 2020 2:33 AM PHT

Around GMA

Around GMA

IRR sa ‘No to Single Use Plastic’ Ordinance sa Davao City, gipagawas na | One Mindanao
Alex Eala, Ingrid Martins bow out of Australian Open doubles
Lee Victor to release debut single 'Nagkakahiyaan,' a relatable pop track about unspoken attraction

Article Inside Page


Showbiz News



First time magsasama sa isang show si Kapuso actress Kris Bernal at child wonder Chlaui Malayao. 
By AL KENDRICK NOGUERA
 
First time magsasama sa isang show si Kapuso actress Kris Bernal at child wonder Chlaui Malayao. Bibigyang buhay nila ang mag-inang Tinay at Chichie sa upcoming GMA Telebabad show na Little Nanay.
 
 

A photo posted by Kris Bernal (@krisbernal) on

 
Kuwento ni Kris, noon pa lamang daw ay nais na niyang makilala si Chlaui dahil bilib siya sa galing ng child star sa pag-arte.
 
READ: Kris Bernal, handa nang gampanan ang pinakamabigat na role sa kanyang showbiz career
 
"Si Chlaui nakikita ko na siya rati sa Yagit. Sobrang cute na cute ako sa kanya, as in," pahayag ni Kris.
 
Dagdag pa niya, "Nung nakita ko na siyang umarte, talagang nakita ko na very dedicated siya and at the same time, bigay na bigay siya."
 
READ: Chlaui Malayao, kinakabahang mapahiya sa big stars ng 'Little Nanay'
 
Ayon kay Kris, kahit challenging ang role ni Chlaui sa Little Nanay ay hinding-hindi siya magtatakang sisiw lang ito sa batang aktres. Nakikita niya rin daw kasing pursigido si Chlaui para matuto nang husto sa pag-arte.
 
"Open siya sa bagong experiences sa bagong learnings. Napakibibong bata," pagtatapos ni Kris.