Celebrity Life

Kris Bernal on weight issue: 'I'm not sick, I'm not anorexic'

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 21, 2020 6:25 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Lalaking estudyante, sinaktan ang babaeng kaklase sa loob ng eskwelahan sa Quezon
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News



Naglabas ng saloobin si Kris Bernal tungkol sa bali-balitang siya ay may weight problem. 
By ANN CHARMAINE AQUINO
 
Hindi matapos tapos ang issue tungkol sa timbang ng mga Kapuso actresses. Unang binatikos si Julie Anne San Jose sa kanyang pangangatawan at kamakailan lang ay naging usap-usapan ang sobra umanong pagpayat ni Kris Bernal.
 
 

A photo posted by Kris Bernal (@krisbernal) on

 
READ: Julie Anne San Jose defends herself from bashers
 
Dahil sa sunod-sunod na comments ng mga bashers ni Kris sa kanyang Instagram account, nagsabi na siya ng kanyang saloobin nitong nakaraang Biyernes (June 26) sa ginanap na Preview Ball.
 
LOOK: Celebrities spotted in Preview Ball
 
“Of course I'm affected. Importante pa rin sa akin 'yung mga opinyon ng tao. It's just that siguro masasabi ko lang of course people grow. They get mature. So parang feel ko ito lang ‘yung time para sa akin na i-attack everything maturely. 'Yung mas maging woman.”
 
Kuwento ni Kris, iniisip niya rin na magpa-sexy para ma-let go na ang kanyang teen star image. Aniya, “Hindi ako nagpapa-sexy or nagpapapayat. Pero let's say na parang gusto ko maging or makitaan ako sa side na 'yun na I can be sexy too. Na lumaki na si Kris, dalaga na si Kris. ‘Yung chubby cheeks ni Kris nagiging iba na parang nawawala na kasi 'di na siya bata, dalaga na siya.”
 
Dinipensahan din ni Kris ang kanyang sarili para matapos na ang usapin na siya
ay anorexic.
 
“I'm not sick, I'm not anorexic. I still eat everything. It's just that nasa healthy lifestyle ako ngayon eh. So hindi siya pagpapapayat kung hindi para, for health purposes din siya.”
 
Sa dami ng bashers na pumupuna sa kanyang pangangatawan, mas pinipili ni Kris na maging positibo dahil masaya raw siya ngayon sa kanyang figure.
 
“I feel healthy. I feel happy. I'm more confident with my figure now. Mas gusto ko siya ngayon.”