What's Hot

Kris Bernal plans trip to Finland after 'Impostora'

By Marah Ruiz
Published November 18, 2017 3:10 PM PHT
Updated November 18, 2017 3:15 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Lalaking estudyante, sinaktan ang babaeng kaklase sa loob ng eskwelahan sa Quezon
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News



Paano kaya siya naghahanda para sa "reward" trip na ito?  

Bibigyan daw ni Kapuso actress Kris Bernal ng isang reward ang kanyang sarili pagkatapos ng kanyang hit GMA Afternoon Prime series na Impostora.

Balak daw ni Kris na magbakasyon sa Finland kaya naman nagsisimula na siyang maghanda para dito. Sa katunayan, nagsimula na siya sa pagsha-shopping para sa mga damit na panlamig. 

 

A post shared by Kris Bernal (@krisbernal) on

 

"My reward to myself when I finish #Impostora is trip to Iceland. Shopping for new winter clothes and gear to keep me toasty!" sulat niya sa kanyang Instagram account.

Madalas ibahagi ni Kris ang challenge ng kanyang dual role sa Impostora. Dalawang beses niyang kailangang i-shoot ang isang eksena—lalo na kung ito ay kumpruntasyon ng kanyang mga karakter na sina Nimfa at Rosette—kaya naman doble ang kanyang pagod sa drama. 

Patuloy na panoorin si Kris sa Impostora, Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Ika-6 Na Utos sa nangungunang GMA Afternoon Prime.